Thirty

98 1 1
                                    

Chapter 30.

Surrounded.

Palipat-lipat ang tingin ko kay Annalie at Vittorio na kanina pa ako tinititigan. Tinaasan ko sila ng kilay. Nawiwirduhan din ako sa magpipinsan na 'to. Ano bang problema nila?

Isang araw ang nakalipas matapos akong mapaso sa tsaa ng bruhang Slovenia. 'Di na nila ako pinalabas ng kwarto ni Annalie. Praning bah sila? Baka mas lalong manghinala si Felix na ako talaga ang may kasalanan sa nangyari, hindi ang pabida niyang bestfriend.

"Hoy," tawag ko sa magpinsan. "Ano bah ang problema at hindi n'yo ako pinapalabas?"

Bumuntong-hininga si Vittorio kaya natuon sa kaniya ang atensyon ko. "We just want to protect you, Danity."  kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Really? At kanino niyo naman ako pinoprotektahan?" puno ng pagtatakang tanong ko.

'Di nakaligtas sa paningin ko ang pagsulyap nila sa isa't isa kaya mas lalong kumunot ang noo ko. Akala ko si Vittorio pa rin ang magsasalita pero si Annalie na ang sumagot sa pangalawa kong tanong ko.

"From Slovenia," she said it without hesitation.

That made me blink alot of times. "Luh? Napaso lang naman ako sa tsaa niya kahapon pero naging protective kaagad kayo sa 'kin ngayon?" pinigilan ko ang sarili na matawa. Napaupo ako at napapailing. "Alam ko namang kulang lang sa sipa ang mukha ng babaeng 'yon pero huwag kayong mag-alala, kaya ko naman na ang sarili ko." walang halong pagmamayabang na dugtong ko.

Tamad akong tiningnan ni Vittorio. "That's what you think," kalmado niyang sabi at naitikom ko ang bibig ko.

"Listen, Kathlyn." napalingon ako kay Annalie.  She crossed her legs and stared at me. "Aunt Martha won't ask us to protect you if Slovenia is not a threat."

My jaw dropped. "Si... Martha ang nag-utos sa inyo?"

Tumikhim si Vittorio. "You should call her 'Aunt'," inismaran ko siya at inirapan. "And yes, she was the one who asked us to protect you from Slovenia."

"And why is that? Delikado bah para sa akin si Slovenia?" diretsang tanong ko na nagpatahimik sa kanilang dalawa.

Muli silang nagkatinginan kaya napangiwi na ako. My eyes drifted on my hand who got burn yesterday. Halatang hindi lang sa pagkapaso ko kahapon ang dahilan kung bakit kailangan akong protektahan.

I can feel something is wrong here.

Tumayo ako at agad silang naalarma nang makitang gusto kong lumabas ng kwarto. Nagsawa na ako kakatitig sa buong paligid ng kwarto ni Annalie at kung pipigilan man nila akong lumabas, hindi ko sila hahayaan.

Hindi pa kami nagkausap ni Felix simula kahapon-- not that I want to explain my side for what happen yesterday. I just want to remind him that we have a mission to accomplish.

Baka nakalimutan niyang mag-asawa kami dito?

"Kathlyn! Wait!" rinig kong tawag ni Annalie pero hindi ko sila nilingon at dire-diretso lang na lumabas.

Mamayang gabi na gaganapin ang selebrasyon kaya hindi na ako nagulat na halos lahat ng kasambahay ng mga Desma ay abala sa pag-aayos ng mga dekorasyon sa paligid.

Huminga ako nang malalim at nag-isip kung saan ako pupunta. Maybe I can find Felix in the big space. For sure ay tumutulong siya sa paglalagay ng dekorasyon sa malaking bulwagan. Doon ako pupunta.

Ramdam ko pa ang dalawang presensiya na sumusunod sa akin kaya dinoble ko ang bilis ng paglalakad ko hanggang sa marating ko nga ang bulwagan.

Magkasalubong ang dalawang kilay kong hinanap si Felix at mabilis ko siyang nakita.

He'll Be Mine (Mine Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon