Chapter 49.
Just Try.
Paggising ko ay hindi na ako sa sofa nakahiga kundi sa isang napakalaking kama na. Dahan-dahan akong bumangon at nakangusong nilingon ang glass wall kung saan makikita si Felix na may kausap na babae.
Nandilim ang paningin ko. Mukhang nilipat ako dahil gustong maisolo ang panibagong babae niya.
Humiga ulit ako at sa humarap sa gilid. Inaantok pa ako. Pakialam ko naman kung may naglalandian sa kabila? Atleast ako inosenteng natutulog rito.
Kasunod na naramdaman ko ay ang pagtapik ng kung ano sa pisngi ko. I moaned and covered my face using the pillow. "Antok pa ako..." mahinang ani ko at humikab.
"Wake up. It's time to eat lunch,"
Nang marinig ko ang salitang 'eat' ay napabalikwas ako ng bangon. "May pagkain na? Nasa'n?" lumilingang tanong ko. Bumaba na ako sa kama at lumabas ng kwarto. Naglaway ang bagang ko dahil sa nakahilerang pagkain sa isang dinner table.
"You're that hungry?" si Felix sa likod ko. Hindi ko siya pinansin at umupo. "Wash your hands first, woman."
Masama ko siyang tiningnan at napilitang tumayo saka nagtungo sa comfort room. I washed my hands and went out to eat but before I could do that. Humarang ang kulangot.
"Padaanin mo ako," sabi ko.
Sinubokan kong dumaan sa gilid at dahil mukhang nababasa niya ang nasa isip ko, umakma rin siyang dumaan sa kung saan sana ako dadaan.
Napangiwi ako. "Tabi nga!" walang modong sigaw ko.
Huminga siya nang malalim at napilitang lumabas para tuluyan akong mapadaan. I heard him whispered. "Buntis nga talaga." nilingon ko siya at tinapunan ng matalim na tingin.
Kahit hindi pa siya tapos maghugas ng kamay ay nagsimula na akong kumain. Takam na takam ako sa limang lumpia na nasa plato naming dalawa. I started getting one and partnered it with hot rice. Tumutulo ang laway ko sa sobrang sarap ng pagkain.
Napaungol ako sa sarap no'ng matikman ko ang sabaw. And my eyes widened when someone tied my hair.
"Dahan-dahan lang... baka mabilaokan ka," seryuso ang boses na sambit niya.
I can feel my cheeks are now burning. He just tied my hair into a messy bun... 'Di ko maipaliwanag ang nararamdaman pero ang bilis ng tibok ng puso ko lalo na noong magtama ang paningin naming dalawa.
Nagsimula siyang kumain. Hindi ko napansin na paubos na ang lumpia ko kaya noong bumaba ang mata ko sa lumpia niyang 'di pa nagagalaw ay napanguso ako.
"You can have 2 of these--"
"Gusto ko sana... tatlo." nahihiyang sabi ko at tumaas ang isang kilay niya.
"You're that hungry?" masungit na tanong niya at para akong bata na tumango. Pikit ang mata siyang bumuntong-hininga. "Fine... get the three--" he was cut off when he saw that I already got the 3 lumpias.
Ngiting-tagumpay akong nagpatuloy sa pagkain. Medyo nakulangan ako sa rice kaya kinailangan ko pang suyoin ang lalaking kaharap ko para bigyan ako ng kanin. Good thing that Felix's attitude changed when he knew that I was pregnant. He already have the word patience.
Akala ko bah papahirapan niya ako?
Baka nagbago na ang isip niya. As if paniniwalaan ko siya?
Pansin kong hindi niya pa nagagalaw ang dalawang lumpia sa gilid ng plato niya. My hands slowly crawled to his plate and get a lumpia. He stopped and seriously looked at me.
BINABASA MO ANG
He'll Be Mine (Mine Series #2)
ActionPublished: June 10, 2022 Finished: June 10, 2023