Chapter 34.
Tats.
Bumuga ako ng hangin matapos sumisid sa pinakamalalim na parte ng tubig. I looked somewhere to find the shokoy and to my surprise, nakatayo lang siya sa dalampasigan habang nakakrus ang dalawang braso.
Umirap ako at pinagpatuloy ang paglangoy. Kunwari sirena ako at tumatawag ng kasama. I laughed at that thought while stretching my arms under the water.
Sa hindi inaasahang...
Biglang sumakit ang kanang hita ko. My eyes widened and tried to move it but fvck! Hindi ko maigalaw!
Kinapa ko ang dalawa kong kamay pero walang nangyari. Nasa ilalim pa rin ako! I still have air in my lungs but if I will go deeper, sasabog ito. Karma ko na bah ito dahil sa ginawa ko kay Felix kanina?
Hindi na ako makahinga...
Isang bula ang lumabas sa bibig ko at ang kasunod na nangyari ay nilamon na ako ng kadiliman. So this is how it feels when you are drowning. Saklap naman.
"Wake up, Kathlyn Danity." may naramdaman akong malambot sa labi ko at naibuga ko nga ang tubig galing sa lalamunan ko.
Lumanghap ako ng hangin at napabangon. Nanghihina kong tiningnan si Felix. Lolo is standing behind him. Seryuso ang pagmumukha at halatang hindi nagustohan ang nangyari sa akin. Napapahiya kong tinanggap ang malambot na tuwaly at tinapis ito sa aking katawan.
Inalalayan ako ni Felix para ihatid sa kubo ko. Kulang nalang ay buhatin niya ako. Sumisinghot ako at hindi maipaliwanag ang nararamdaman. Muntik na akong mamatay.
I looked at Felix who's just seriously looking in our way.
"May utang na loob na naman bah ako?" tanong ko at siniko siya. Hindi niya ako sinagot. "Hoy, tinatanong kita."
"Kung iyan ang iniisip mo," tipid na tugon niya at binuksan na ang pinto ng kubo. "Maghihintay ako sa labas. Be faster and wear appropriate clothes."
Tumaas ang isang kilay ko. "Beach ito kaya natural lang na magsuot ako ng revealing! Tigilan mo 'ko, Felix dahil alam kong pagnanasa lang iyang nararamdaman mo sa tuwing makikita mo ang balat ko!" sigaw ko at padabog na sinarado ang pinto.
Marahas akong huminga nang malalim at naligo. Para asarin si Felix ay nagsuot ako ng beach tube top at beach skirt. Wala na akong pakialam dahil ramdam kong maglalaway talaga siya sa akin.
I let my hair down and stared myself at the mirror. Ang ganda ko!
Paglabas ko ay wala akong nadatnan na Felix. Akala ko bah ay hihintayin niya ako? Nasaan na siya ngayon!
"Tsh!" asik ko.
Dumiretso ako sa restaurant ng resort at doon ko nga siya nakita. I felt the stares of the people especially the men. Sino bah naman ang hindi makakalingon sa ganitong katawan? Big boobs and a well-shaped butt paired with my small waist?
I have a tattoo under my left boob at huwag n'yo na itanong kung ano ang naroon. Medyo sumisilip ito dahil hapit na hapit sa dibdib ko ang tube top.
Tinaasan ko ng kilay si Paustino na malaki na ang ngisi sa akin. I walked confidently and sat down beside Felix.
"You looked stunning in that outfit, hija." komento ni Lolo habang tinitingnan ang isang magazine. I smiled widely, showing my gratitude. "10 minutes before our dinner will be served." tumango ako at nakangiting binalingan ng tingin si Felix.
BINABASA MO ANG
He'll Be Mine (Mine Series #2)
حركة (أكشن)Published: June 10, 2022 Finished: June 10, 2023