Chapter 10.
In Danger.
"What?! Hinding-hindi ako makakapayag! Kuya Mon naman! Bakit kami pa ni Felix ang pinagpares mo?!" hindi na ako mapakali kakaupo kaya tumayo na ako at palakad doon at dito.
Hindi ako makapaniwala sa nakalap kong balita galing sa pinsan ko. I just can't! A new mission was given by him and I am willing to help but knowing that I will be paired by Felix? Hindi ko kaya! Kailangan naming magpanggap as couples! Kainis na buhay. Ang dami pang pwedeng agent na ilagay sa misyon na 'to, bakit pa kami pang dalawa?
My cousin chuckled in the other line. "Don't worry, Danity. The mission is too easy to accomplish--"
"I know that! Makakaya ko lang kung ako lang mag-isa pero kung may ka-partner ako? I don't think I can do it properly." mataray na saad ko sabay irap.
"Woah woah woah... wait a minute, let me process what you just said," kumunot ang noo ko sa sinabi niya. "Kathlyn Danity? Are you attracted to Felixio?" my teeth gritted and stopped myself from yelling. Baka marinig ng taga-kabilang kwarto ang pagsigaw ko.
Huminga ako nang malalim. "Why would I be attracted to that guy?" sige, i-deny mo pa Danity. Kung makakamamatay man ang pagiging in denial, sigurado akong patay na ako ngayon.
Kuya Mon laughed. "Don't ask back when I asked first, Danity. It's all clear to me that you are attracted to him-- well, that's good! Mas mapapadali ang misyon ninyo kung ganoon." ramdam kong nakangisi na siya habang nagsasalita.
Nagtatagis ang bagang na ibinaba ko ang tawag at halos gusto nang itapon ang cellphone sa labas ng bintana. Kay Kuya Kailean sana ito ibibigay eh! Pero kahit hindi niya pa ito naririnig, agad na siyang umayaw lalo na noong alam niyang si Yza ang magiging kapares niya. Abnormal siguro ang kapatid ko. Hinahabol si Yza tapos tatanggihan ang misyon kung saan mas lalo silang magkakalapit?
Palakpakan nalang!
I already moved to a high-class condo especially noong nagsimula na akong magtrabaho. Si Yza, dito mananatili pagdating niya galing Spain kaya sakto lang na lumipat ako.
Umaga pa ngayon. Alas... teka, anong oras na? Tsk. Alas sais pa pala. Ang aga pa pero badtrip na ako. Maybe I will just go for a jog-- nah, wala ako sa mood mag-jogging pero pwede akong mag-gym, tutal schedule ko naman ang gym ngayon. Yeah right, I will just go for a gym.
Nagsuot ako ng leggings at sports bra na tinakpan ko ng jacket. I decided to bring my small duffel bag kasama ang yoga mat at iilang necessities ko pagkatapos kong magpapawis. Since Felix and I part our ways, sinimulan kong baguhin ang daily routine ko. I jog thrice a week and workout in the gym twice a week. Sa weekend ang rest days ko.
I am now an engineer in Lateemia company. Minsan ay pumupunta ako sa mga site ng projects namin kasama ang co-engineers ko. It's really fun honestly. May nakilala akong bagong mga kaibigan.
Minutes later after driving to the nearest gym. Oo na, malapit lang pero gumamit pa rin ako ng kotse. Kakatamad kayang maglakad. Pumasok ako sa building at dumiretso sa floor kung saan naka-locate ang malaking workout gym.
"Ang aga natin ngayon, ah?" sinalubong ako ng may-ari.
I smiled at him. "Palagi naman akong maaga, Nichole." he's a gay pero malaki ang katawan.
Ngumisi siya. "Oo nga naman pero maiba tayo," makahulugan niya akong tiningnan kaya alam ko na kung ano ang gusto niyang sabihin. He pointed a treadmill and there I saw a man using it. "Hindi naman na siya bago rito pero first time ninyong nagkasabay."
BINABASA MO ANG
He'll Be Mine (Mine Series #2)
ActionPublished: June 10, 2022 Finished: June 10, 2023
