Chapter 36.
Bumigay Pa Rin.
Tinitigan ko nang mabuti ang babaeng katabi ni Yuuji. Hera Cluviel. Ang weird ng pangalan pero ang ganda niya. Tsk! Babae bah siya ni Yuuji? Naku! Kawawa naman si Therese! Dapat ko siyang turoan ng leksyon para lumayo ang haliparot na ito--
"She's my secretary," ilang beses akong napakurap.
WHAT?! Ang bata-bata pa tingnan nitong babae na ito pero secretary na siya? Wow ha!?
Nilingon ako no'ng Hera at inosenteng tinagilid ang kaniyang ulo. Peke ko siyang nginitian at umiwas ng tingin. Natuon tuloy ang atensyon ko sa batang lalaki na kausap ni Thrasha. This is getting weirder. May kulay lila na mga mata ang dalang bata ni Yuuji na ang sabi niya ay pamangkin niya.
Pero mas tinuon ko ang atensyon ko kay Yui. Ang baby Aiya ko!
She's sleeping peacefully in her crib. Ang mamula-mula niyang pisngi at ang maliit na ilong. Gusto ko tuloy magkaroon ng babae na anak pero kung hindi man papalarin ay si Yui ang magiging anak-anakan ko.
I heaved a sigh as I looked again--
"Puchang tipaklong!" hiyaw ko nang biglang sumulpot sa pagmumukha ko si Hera. "'Wag ka ngang manggulat! Baliw ka bah?!"
"Kathlyn Danity Viornole. 26 years old turning 27 by the next 2 months. Single but flirted Felixio Rin el Savero," kumunot ang noo ko sa pinagsasabi niya. My eyes looked down at her hand. "It's not nice to meet a woman like you but I am Hera Cluviel. 20 years old and a secretary of Yuuji Fukuda."
'Di ko tinanggap ang kamay niya. Nilagpasan ko siya at umirap. Not nice to meet me? Edi ganoon din ako sa kaniya. Pakialam ko bah sa kaniya? Bahala siya!
"Therese," agaw-pansin ko sa kaibigan.
Napatayo siya. "A-aalis ka na?" tumango ako. "Mag-ingat ka sa pagmamaneho at kung may oras ka... pwede ka bang bumalik rito?" kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Sige bah! Basta may pagkain ulit rito, ah?" marahan siyang natawa. Nilingon ko si Yuuji at makahulugan siyang tiningnan. Tinanguhan niya lamang ako bago ko sila tinalikuran. Sana naman wala siyang ginagawang hindi maganda sa kaniyang asawa.
Masama ko pa ring tiningnan si Hera saka ako sumakay sa motor.
Panibagong misyon ang natanggap ko galing kay Daddy. It was an easy mission. Human trafficking ang magiging kaso kung sakaling mahuli ko ang target.
I smiled evilly as I prepared myself for the mission. Magpapanggap akong bayaran na babae na bagong recruit sa isang club.
Napagtagumpayan ko pero hindi ko inaakalang mangingialam na naman ang lecheng gago sa misyon. Nasabihan na ako ni Dante na ilang beses nang nangialam si Felix sa mga naging misyon ko.
How I hate him. Bakit na naman siya nangingialam?
Bumuga ako ng hangin. Nagising sa hindi pamilyar na lugar. Bumangon ako sa pagkakahiga at napatakip sa bibig nang makitang nakasuot na ako ng malaking damit!
What the fudge? May nangyari na naman bah sa amin?! Shit shit shit! Tumigil na ako sa pag-inom ng pills!
Kinapkapan ko ang sarili at nakahinga nang maluwag dahil 'yung underwear na suot ko kagabi ay suot ko pa rin ngayon. I swallowed some air and get down from the bed.
Inayos ko ang mukha sa harap ng malaking salamin. Ang ikinagulat ko ay may salamin sa ibabaw ng kama. Ngayon ko lang napansin taena! Ang weird naman ng kwarto na 'to! At paano bah ako napadpad rito?
BINABASA MO ANG
He'll Be Mine (Mine Series #2)
ActionPublished: June 10, 2022 Finished: June 10, 2023
