Twenty- Four

162 3 0
                                        

Chapter 24.

Gusto.

"Lyn, ayos ka lang?" napatingin ako kay Yza nang itanong niya iyon. Worry is visible on her face. "Kanina pa kita tinatawag. Mukhang hindi ka naman nakikinig." dagdag niya.

I bit my lower lip and smiled. Siyempre, peke ang ngiti ko.

"Ayos lang ako, Yza. Medyo marami-rami din kasi ang pending works kaya... pasensiya na," pagsisinungaling ko dahil tapos ko na lahat ng trabaho sa opisina kaya pwede akong magday-off bukas. "Tapos ka nang kumain?" I asked her.

She nodded her head. "Oo, dinalhan ako ni Annie ng pagkain sa kwarto kanina kaya busog na busog na ako." tanging pagtango lang ang nagawa ko saka tumungo sa kusina.

Bago ako makapasok sa kusina ay hinawakan niya ang braso ko.

Ngumuso siya. "Bakit feeling ko hindi ka talaga okay?" napatitig ako sa mga mata niya. "Sa tagal nating magkaibigan, nababasa ko na ang mga kilos mo tuwing malungkot o masaya ka." aniya.

I blinked alot of times then immediately looked away. "Iwan mo muna akong mag-isa, Yza..." lumuwag ang pagkakahawak niya.

Dahan-dahan siyang tumango at ngumiti. "Kung kailangan mo ng kausap, narito lang kami ha?"

Kumunot ang noo ko. "Bakit 'kami'?"

Marahan siyang natawa at bahagyang hinawakan ang tiyan niyang may maliit nang umbok. "Dahil kasama ko si baby kaya pwede mo kaming kausapin kung kailangan mo kami." that made me chuckle a bit.

Marahan ko siyang tinulak at umalis naman siya at iniwan na akong mag-isa sa kusina. I prepared myself a dinner. Kumain ako nang tahimik habang pilit na huwag isipin ang nakita ko kaninang tanghali. Pero huli na para gawin iyon dahil napaluha na ako habang ngumunguya.

Ang ugok na 'yon...

Lakas ng loob niyang maging malamig sa akin tapos sinadya niya pang ipakita na may kasama na siyang ibang babae.

I wiped my tears away and forced myself to finish the food I am eating. Kahit para na akong baliw na humihikbi, kain pa rin ako nang kain na halos mabilaukan na ako.

'Di ko alam kung paano ko natapos ang pinagkainan at binabad ang sarili sa rumaragasang tubig galing sa shower. Iyak lang ako nang iyak hanggang sa magsawa ako. Bakit ko bah iniiyakan ang lalaking wala namang pakialam sa nararamdaman ko? Hindi siya deserving nitong mga luha ko tapos iniiyakan ko ang isang tulad niya? Gago siya!

Humiga ako sa kama habang titig na titig sa kisame. I already expected that I can't sleep tonight. Tinitigan ko lang ang kisame na parang nagbibilang ng butiking makikita.

Sumapit ang umaga nang wala akong tulog. 'Di na ako naligo at nagsepilyo lang saka bumaba.

"Good morning!" Yza happily greeted me as I went down.

Ngumiti ako. "Good morning. Hindi na ako kakain dito. Ang dami pa kasing trabahong gagawin sa opisina," umawang ang bibig niya at napakunot ang noo. I kissed her cheeks. "I am fine, Yza. Don't worry about me. Baka late din ako makakauwi mamaya. Si Annie na ang bahala sa 'yo."

"Sige! Ingat ka ha?" I nodded.

Pagkalabas ko ng bahay ay naroon na si Annie. Nakatayo malapit sa gate. Tipid siyang ngumiti at yumuko sa akin at hindi na ako nagsalita habang papalabas.

My jaw clenched as I turned on the engine of my car. Pinaharurot ko ito sa company building at walang imik na pumasok.

"Wow! Ang aga n'yo po, Engineer!" si Kuya Guard nang makapasok ako.

He'll Be Mine (Mine Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon