Chapter 56.
Sorry.
Hindi ko alam kung paano ako naghihingalo habang pilit na umire para makalabas na ang bata sa sinapupunan. Saglit akong nawalan ng hininga kanina pero pilit akong ginising ng mga doctor dahil mas magiging delikado para sa akin at sa anak ko kung cesarian ang gagawin nila habang wala akong malay.
That would kill me.
I am holding Felix's hand so tight while sweating bullets. Ang sakit na ng dibdib ko pero kinailangan kong lumaban alang-alang sa anak ko.
'Di ko napansin na umiiyak na pala si Felix sa gilid. Maybe it's a torture for him to see me like this. Hirap na hirap na din ako pero may magagawa bah ako kung iiyak lang ako? Kailangan kong lumaban upang maranasan niya ang hindi niya naranasan noon kay Fatima.
Isang pag-iyak ng sanggol ang narinig ko matapos ang halos trenta minutos na pag-ire. My sight became blur and what I saw next was Felix, accepting our baby from the hands of the doctor.
Unti-unting sumilay sa labi ko ang ngiti at hinayaan na ang sarili na lagutan ako ng hininga.
Atleast I will die peacefully.
Inakala ko ang sasalubong sa akin ay langit na pero naisip ko na bakit ako mapupunta sa langit eh ang dami ko ngang nagawang kasalanan noong nabubuhay pa ako.
"Danity? Oh my gosh! You're awake! You're awake!" bakit naririnig ko ang boses ni Mommy?
May sumasagabal sa ilong at bibig ko. Oh... it's an oxygen mask. Hindi ako makapagsalita kaya ginalaw ko ang mga mata ko para matingnan kung nasaan ako. Wew... buhay pa pala ako? Thank you, God. I have a chance to meet my baby boy.
Sumulpot sa harapan ko ang doctor na may hawak na flashlight. He told me to follow its light so I followed it. Pero nawalan muli ako ng malay dahil sa pagod sa pagkakahiga.
Paggising ko ulit ay wala na akong oxygen na suot. I opened my mouth to speak at tama nga ang hula ko, paos ako.
"Lyn!" si Yza ang unang sumalubong sa paningin ko. "Teka! Tatawagin ko na muna ang asawa mo!" sabi niya at tumakbo na palabas, iniwan ang dala niyang paperbag.
Naghanap ako ng tubig. At nang makakita ako ng water bottle, mabilis ko itong kinuha at ininom ang laman. I feel refreshed. Bumukas ang pinto at nanlambot ang puso ko nang makita si Felix na karga-karga ang munti naming anak.
He ran towards me. He kissed my forehead. "How do you feel? Hmm? Tell me..." his voice broke. "I'm so sorry, baby... It's all my fault. Kasalanan ko kung bakit naghirap ka ng ganoon."
Inagaw ko sa kaniya si Renwick na natutulog. "No. Don't say that," nakangiting sabi ko at tinitigan ang mukha ng anak namin. "He came out safely..." I whispered and kissed his little forehead.
"But your life was put in danger..."
I chuckled. "Atleast humihinga pa rin ako ngayon," biro ko.
He let out a sigh. Bigla ko naalala ang plano ko. Shit... Mamaya mo na isipin iyon, Danity. Isipin mo muna ang pagpapakain kay Renwick bago mo gawin ang hakbang mo.
Dumating si Kuya Kailean kasama si Fatima. Medyo nagtaka nga ako na pwede pala papasukin ang mga bata rito. Iyon pala ay nakiusap siya sa head ng hospital. Felix carried Fatima. Tulog na si Renwick matapos kong pakainin.
Tuwang-tuwa si Fatima na makita ang maliit niyang kapatid.
My plan is... Kailangan muna naming maghiwalay ni Felix para makalipad kami ni Fatima at Renwick papuntang Canada. Kung hindi man papayag si Felix, mukhang babantaan ko siya. I need to protect him especially that our daughter is now on our side. Ramdam na ramdam ko ang mga maiinit na mata ng aming kalaban.

BINABASA MO ANG
He'll Be Mine (Mine Series #2)
ActionPublished: June 10, 2022 Finished: June 10, 2023