Thirty- Nine

85 2 0
                                    

Chapter 39.

Unexplainable.

"Why do I see that you gained weight, Danity?" umangat yata lahat ng dugo ko sa ulo sa inosenteng pagkakatanong ni Hera. She raised her hands. "No offense... but I'm just telling the truth."

I rolled my eyes. "'Di ko alam eh. Masyadong masarap sa akin ang mga pagkain dito." tamad na tugon.

"You mean luto ko?" ngiting tanong niya.

"Ewan ko sa 'yo." matabang na sabi ko at humiga na sa kama.

Napatalon ako nang maramdaman bigla ang kamay niya sa tiyan ko. Hera looked so serious while touching my belly. Ilang beses akong napapakurap. "Mainit ang tiyan mo." seryusong komento niya at pinagkrus ang dalawang braso.

"Ano naman ngayon?" pagsusungit ko.

Bumuntong-hininga siya. "Huwag kang sumama sa amin bukas," my eyes widened. "Listen to me, Danity." sabi niya at tinalikuran ako.

"Hoy! Teka lang. Bakit naman? Kailangan kong sumama sa inyo!" napabangon na ako at hinabol siya. "Sagutin mo nga ako. Gusto mo bang masolo si Felix? Huh? Ganoon bah? Sagutin mo 'ko---"

Mabilis ang pagkilos niya at hinarap ako na may seryusong ekspresyon.

"You're pregnant, Danity." nalaglag ang panga ko sa sinabi niya. "And resting is the best that you can do! Maaapektuhan ang bata kung ipipilit mo ang sarili mo na sumama sa amin! Do you think gusto ni Felix iyon--"

"May ebidensiya ka bah?" I cut her off.

Tumalim ang mata ni Hera. "Try testing yourself," pinagkrus niya ulit ang dalawa niyang braso. "You eat alot these days. You feel ill in the morning and your sense of smell is now sensitive than before. Am I right?" naputol yata ang dila ko sa mga sinabi niya dahil tama siya.

"I'll buy a pregnancy test right now habang hindi pa bumabalik ang mga lalaki," dagdag niya at tinalikuran ako. "'Di ko sasabihan si Felix pero hindi ako mananahimik."

Nanghihina akong napaupo sa couch. I covered my whole face using my palms. Shit shit shit... Buntis ako. Hindi pwede. Hindi ako handa. Hindi ako handang magbuntis. Hindi... hindi pa ito confirm. Magti-test pa ako. Kalma lang, Danity...

May nangilid na luha sa gilid ng mga mata ko nang tuluyan ko nang nakita ang resulta.

I'm pregnant.

"See? Idi-deny mo pa bah?" tanong ni Hera pagkalabas ko ng banyo.

Napahagulhol ako at hinayaan ko siyang yakapin ako nang napakahigpit. "Hindi pwede 'to, Hera..." umiiyak kong sabi. "I am not ready to carry a child. 'Di matatanggap ng pamilya ko 'to lalo na at walang plano na pakasalan ako ng lalaking nakabuntis sa akin." dugtong ko at iyak na nang iyak.

"Control yourself, Danity. Ikalma mo ang sarili mo..." bulong niya pero panay ang pag-iling ko.

"Hindi... hindi pwede 'to..."

She consoled me until I got tired of crying. Hinatid niya ako sa kwarto namin ni Felix at nang maihiga niya na ako sa kama ay nakatulog ako.

I thought makakatulog na talaga ako pero nang may marinig akong yabag ay bigla akong naalimpungatan. Ramdam ko ang pag-iingat sa haplos ni Felix sa pisngi ko. My tears immediately pooled in my eyes.

Unti-unti akong napahikbi.

"Hey... you okay? Hmmm?" he gently asked while caressing my face. "Something hurt?"

He'll Be Mine (Mine Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon