Eleven

175 2 0
                                        

Chapter 11.

Nakakatakot.


"'Yung tungkol sa mission na... tayo ang naka-assign," sinadya kong bitinin ang pagsasalita para malingon siya. Tinaasan niya ako ng kilay. "Hindi ka naman um-Oo doon 'di bah?" my voice was hopeful kahit sa kaloob-looban ko, gusto kong tumuloy siya.


He sighed then stared at me. "Too late to say that, I already agreed to that mission." ngumisi pa siya dahilan para makaramdam ako ng inis.


Akma na sana akong tatayo nang biglang sumakit ang ulo ko. My jaw clenched as I closed my eyes to control my balance. Bumalik ako sa pagkakaupo at nanghihinang tiningnan ang pagkain na nasa harapan.


I heard how Felix heaved a sigh at nang tingnan ko siya ay seryuso na niya akong tinititigan. Huminga ako nang malalim at uminom ng tubig. "Pwede kang humindi sa misyon na 'yon, bakit ka pa pumayag?" mariin na tanong ko.


"Para nasa tabi kita palagi," tipid na sagot niya.


Nakaramdam ako ng kakaiba kahit simple lang ang pagtugon niya sa tanong. I should control my facial expression, baka mahuli ako sa akto ng lalaking nasa harapan ko. His attitude changed a bit and I don't know... mas lalong nadedepina ang pagkagusto ko sa ugali niya. It makes me wonder kung iyon na bah ang totoo siya...


"Thinking so deep might drown you," napakurap ako nang ilang beses sa narinig.


Masama ko siyang tiningnan. "Could you please mind your own business?" mataray na ani ko sabay irap.


Nakaupo na ako sa shotgun seat ng kotse niya, papunta na sa kompanya. I rolled my eyes again when I heard him chuckled. Inaamin ko, distracted talaga ako sa presence niya na nagpatulala na sa 'kin. Umayos ka nga, Danity. Nakakahiya ka.


Sinandal ko ang aking likod sa upoan at hindi na mabilang kung ilang beses na akong napapabuntong-hininga. Niliko ni Felix ang kaniyang sasakyan, palapit na kami sa building.


Pero bago pa mangyari iyon...


"Paano mo nalamang nasa panganib buhay ko?" wala sa sariling naitanong ko sa kaniya.


Hindi siya agad sumagot kaya bahagyang kumunot ang noo ko. Huwag niyang sabihin na binabantayan niya na ako noon pa man? 'Di ko lang napapansin. Oh my gosh... if I will think about that thought, aatakehin na naman ako na parang tanga.


Isang minuto ang lumipas ay wala pa rin akong nakuhang sagot hanggang sa makarating kami sa building. Napanguso nalang ako at napairap. He can just answer me straightly pero pinili niya pa talagang manahimik.


Padabog akong bumaba ng kotse at halos sirain na ang pinto nang sinarado ko ito. Inayos ko ang pagsakbit ng aking bag at mabilis na naglakad papasok sa building.


Our guard greeted me but I did not bother to greet him back.


My breathe was uneasy when I suddenly remembered what happened just earlier. I stopped from walking and closed my eyes for a second. Breathe normally, Danity. Nothing will happen good if you let your fear eat your system. Kumalma ka lang.


Napaigtad ako nang bahagya dahil sa malaking kamay na humawak sa beywang ko. Kung pwede lang lumabas ang mata ko, lalabas talaga siya nang malingon kong ang kamay ni Felix ang nakita ko.


"What do you think are you doing?" I hissed and tried to push him away.


Sa ginawa kong iyon ay mas hinigpitan niya pa lalo ang pagkakahawak sa beywang ko. Taena! Hindi na nga ako makahinga nang maayos! Dinagdagan niya pa talaga!


He'll Be Mine (Mine Series #2)Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon