Chapter 52.
Box.
"Magtatrabaho ka na?" tanong ko kay Felix nang madatnan ko siyang nagsusuot ng puting polo. He firmly nodded. Napanguso ako. "Hindi bah pwedeng mag-off ka muna ng isang araw pa?" pangungumbinse ko.
Bumuntong-hininga siya at nilingon ako. "My work needs me, Kathy." seryusong aniya.
"Bakit bah ang lamig ng pakikitungo mo sa akin nitong nakaraan?" magkasalubong ang kilay na tanong ko. "Wala naman akong nagawa, ah? Sa pagkakaalala ko, wala akong ginawang kasalanan sa iyo!" tumaas ang tono ng pananalita ko, hindi na napigilan ang emosyon.
I saw how he swallowed some air. He tried to reach me but I did not let him. "Oh please... Don't be like this, baby. Not now..." nanghihinang sabi niya pero 'di ko pinakinggan.
"Umalis ka na nga lang! Baka ma-late ka pa at papagalitan mo pa ako kasi kasalanan ko na naman!" asik ko at tinulak siya palayo.
"Kathlyn Danity!" he called but I did not listen.
Bumaba ako at dumiretso sa likod ng bahay. Nakasalubong ko si Manang-- Oo, mayroon na kaming dalawang kasambahay ngayon dahil ayaw ni Felix na mapagod ako lalo na't lumalaki na sa tiyan ko ang anak namin.
"Oh? Saan ka pupunta, hija?" mahinahong tanong ni Manang pero hindi ko siya sinagot. "Naku! Nag-away na naman ang mag-asawa." sambit niya.
Umupo ako sa lounger malapit sa pool at tinakpan ang buong mukha para umiyak. My lips were trembling as I cried like a kid again. Sinusumpong na naman ako pero ano bah ang pakialam ni Felix? Wala! Wala siyang pakialam sa akin!
"Hala... Ma'am Danity..." rinig kong tawag ng isa sa kasambahay na kasama ni Manang.
"Daphnie. Leave us alone please,"
"Ay sige po, Sir. Umiiyak na naman ho ang asawa ninyo." imporma niya at ang sunod kong narinig ay ang yabag ni Felix patungo sa akin.
"Huwag mo akong lapitan! Ano pa ang ginagawa mo rito? Ha? Umalis ka na!" pagsisigaw ko at halos sipain na siya sa sobrang inis. "'Di mo na kami mahal! May iba ka na! May iba ka nang mahal!" umiiyak kong dugtong.
"You're overreacting again, Kathlyn Danity..." bumuga siya ng hangin at hinawakan ako. "I need to work for me to provide the things you need and to our baby... Wala akong iba, okay? Ikaw lang ang mahal at mamahalin ko habang buhay." humupa ang inis na nadama ko sa sinabi niya.
He caressed my face and planted a soft kiss on my lips.
"Please don't doubt at me. Just trust me okay? Hindi ka muna sasama sa akin dahil nakakasama kay baby ang sobrang kapaguran." tumango ako. "I'll be home before the clock strikes at 5 so rest here while I am working. Huwag ka rin masyadong matulog. Do something that'll not tire you." he added and kissed me again.
Sinubokan kong habulin ang labi niya nang ilayo niya na ito. Marahan siyang natawa at hinalikan ako sa noo. I pouted and bid my goodbye to him.
"I love you! Huwag kang maghanap ng iba!" sigaw ko habang papalayo siya sa akin.
He threw a flying kiss and winked at me. "Hinding-hindi kita papalitan sa puso ko, Kathy! Love you, too!"
"Nasaan ang 'I'?!" exaggerated na tanong ko.
Malakas siyang natawa. "Nasa iyo na, mahal ko!" napapailing na sabi niya at tuluyan nang nakalabas ng bahay.
Bumagsak ang balikat ko at napangiti na lang. Mahal at mamahalin niya habang buhay... Where did you learn those sweet words, Felix? Wala talagang oras na dinismaya mo ako simula no'ng makasal tayo.
BINABASA MO ANG
He'll Be Mine (Mine Series #2)
AcciónPublished: June 10, 2022 Finished: June 10, 2023