Chapter 2.
Different.
"Danity! Shit! Wake up!" I slowly opened my eyes just to see who's beside me... nakahinga ako nang maluwag nang maaninag nang kaunti ang mukha ng kapatid ko.
I felt something is hurting in the side of my waist. Para akong namanhid sa sakit lalo na noong pilit akong binuhat ni Kuya palabas ng bar. Hindi ko na alam kung ilang beses na akong napalunok sa sobrang sakit ng tagiliran ko. Alam kong hindi diniin no'ng lalaki ang pagkakasaksak sa akin pero ang sakit talaga ng naidulot noon!
Ang sirena ng police ang unang narinig ko nang tuluyang makalabas si Kuya. I was unconscious reasoned why I couldn't remember what happened next.
The next thing I knew is I woke up in my... Shoot! Hindi kama ko ang bumungad sa akin kundi kama sa hospital. Napaimpit ako dahil sa pagsakit ng beywang ko. Naramdaman ko nalang ang paghawak ng isang tao sa aking braso.
"Kathlyn..." napalingon ako nang marinig ang boses ni Daddy.
"D-daddy..." mahina ang boses na tawag ko sa kaniya. Tumikhim siya at binitawan na ako saka tumayo nang tuwid sa harapan. "Anong nangyari? Ilang oras akong natulog?" tanong ko sa kaniya.
Bumuntong-hininga siya at humalukipkip. "You've been sleeping for 12 hours and what happened last night..." tinitigan niya ako sa mata at nagulat ako dahil mabilis siyang umiwas ng tingin. "Don't mind it. You need to rest--" I cut him off.
"Gusto kong malaman, Dad." mariin na saad ko.
Ang maowtoridad na ekspresyon ng ama ko ay mas lalong nadepina pero nakaiwas pa din siya ng tingin sa 'kin. "Our enemies are starting to attack again, Kathlyn Danity and what happened last night was their warning to us." napakurap-kurap ako pero hindi na nagulat.
Nagsisimula na naman sila... Kainis!
My jaw was clenching and tried myself to chill. Binalot kami ng katahimikan ni Daddy at habang patagal nang patagal ang pagiging tahimik namin ay unti-unti kong naalala ang mga... kaibigan ko! Mabilis pa sa alas kuwatro kong inangat ang aking ulo.
"Daddy, sila Carmela? Kamusta sila? Wala namang nangyari sa kanilang masama 'di bah?" nagtama muli ang paningin namin. Hindi siya sumagot kaya napilitan akong gumalaw dahilan para mapaimpit na naman ako sa sakit.
Agad na lumapit ulit sa akin si Daddy. "They are fine, don't worry about them."
Napasimangot ako. "Bakit pa bah kasi ang tagal mong sumagot?" masungit na tanong ko. Mahina ko siyang tinulak. "Hindi naman malalim ang sugat ko 'di bah, Daddy?"
"Hmmm... yeah." tugon niya.
Nakahinga ako nang maluwag dahil nasa maayos lang na kalagayan ang mga kaibigan ko pero mas lalo akong nakahinga nang maluwag dahil hindi malalim ang sugat na tinamo ko sa pagsaksak sa akin no'ng lalaki kagabi. Ayaw ko talagang magkapeklat, minus sa maganda kong katawan!
Biglang bumukas ang pinto at iniluwal nito si Mommy kasunod ang ilang katulong namin na may dalang pagkain. My worried mother immediately ran towards me and caressed my face.
"Are you okay, anak? Kamusta ang pakiramdam mo? I have talked to your doctor and he said that you need to stay here for days para magamot ka nila nang maayos so how are you?"
"I am now okay, My... sumasakit pa ang tagiliram ko kung igagalaw ko..." sambit ko.
Suminghap siya. "Oh my god! The devil who stabbed you was now in our headquarters, your Tito Fernand is now investigating him and sooner, they'll punish that stupid!" galit na saad ng aking ina.
BINABASA MO ANG
He'll Be Mine (Mine Series #2)
ActionPublished: June 10, 2022 Finished: June 10, 2023
