Sixty

126 2 0
                                    

Sa lahat ng mga readers ko na sumuporta na sa akin simula noong una. Hindi ko alam kung paano ko kaya pasasalamatan. Your love and support taught me to improve myself more in writing and you don't know how happy I am to write this story. Mahal ko kayong lahat! Kisses to more years of writing. Mwuah!

Chapter 60.

Greatest Reason.


I don't know how the time flew so fast. We moved in to the Cebu while Kuya together with his family chose to live in the other country. Binigay na ng lawyer ni Lolo ang bahay at lupa ni Lolo kay Kuya Kailean kaya doon na sila maninirahan saglit para hindi masayang ang bahay roon.


Yzabelle gave birth to a twin. Nagdiwang ang buong pamilya dahil panibagong swerte ang dumating.


Shawn Matthew and Shawn Nicholas.


Nakangiti ko silang pinagmamasdan habang natutulog sa crib. My brother was carrying Renwick while I was watching their twins. Magkamukhang-magkamukha pero si Nicholas ang maliit sa kanilang dalawa.


"They're beautiful..." I commented and smiled widely. Nilingon ko si Kuya. "I'll train them once they grow up." saad ko sa kaniya.


He nodded. "Ibibigay ko na ang agency sa 'yo. Please take care of it, Danity," nginitian ko siya. "What's your plan for Fatima?" tanong niya.


"She'll live with Elena and Vittorio once she turns 15," tugon ko at bumuntong-hininga. "Marami pang taon, Kuya pero sa pagdaan ng mga taon ay hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa buhay natin. Our enemies are too cruel and stupid... but we are the children of Viornole, who's not afraid to fight."


"Right..." tanging nasabi niya.


Muli kong pinagmasdan ang kambal na gising na gising na ngayon. Animo'y nakikinig sa mga sinabi ko. I smirked and stared at Nicholas. Cuties! Ang cute nila gaya ni Renwick!


Sisiguradohin kong magiging matapang sila paglaki nila. At panigurado ring paglaki nila ay hahabulin sila ng mga babae. Nae-excite ako lalo na kay Yashniel dahil siya ang magdadala sa tatlo niyang kapatid.


Paglingon ko ulit kay Kuya ay nakita ko na roon si Felix na karga-karga si Fatima habang kinakausap na si Yza.


Huminga ako nang malalim.


Our life is not yet going to end here. This is just the beginning. Marami pa ang mangyayari. Napakarami na kahit paggising namin sa umaga... maaalala namin ang lahat.


"Ate Fatima!" Renwick called her sister. "Let's play! Let's play!" sambit niya at hinila ang kaniyang Ate.


"Dahan-dahan lang, Renwick..." marahan na sambit ni Fatima.


I watched how they played in the seaside. At habang naglalaro sila ay napaigtad ako sa gulat nang bigla akong niyakap ni Felix sa likod. He hugged my waist and rested his chin on my shoulder.


How many years had been already?


Walong taon na kaming naninirahan sa Cebu at paminsan-minsan nalang akong pumupunta sa Manila para i-check ang agency namin.


At kung makakapunta naman ako sa Manila, saktong-sakto na birthday din ni Yui kaya palagi akong pumupunta doon. Mas lalong gumaganda si Yui gaya ni Fatima pero ang problema, wala na si Yuuji sa tabi nila.


"Our daughter is too soft-spoken," bulong ni Felix.


"Halata naman na sobrang lambing niya," nakangiting sabi ko. "Hayaan mo na, gusto mong malambing siya 'di bah?"


He'll Be Mine (Mine Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon