Chapter 28.
Unfair.
Masama kong tiningnan si Felix habang nakaupo siya sa kama. Ang gago naman ay nakatitig din sa akin, parang binabasa ang nasa isip ko. I raised a brow and rolled my eyes.
I looked at the wall clock. Dalawang oras nalang ay magpapakilala na ako sa Aunt Clarity niya. Paano kung hindi ako magugustohan? For sure uuwi ako sa Pilipinas nang hindi pinagtagumpayan ang misyon namin.
Akala ko ay hindi magsasalita ang mabait na si Felix sa kama.
"You don't have to worry," he said in a calm voice. Marahas akong napabuntong-hininga at 'di makapaniwala siyang tiningnan. Bumuntong-hininga rin siya at umirap. "This is just a mission remember?" bigla akong natauhan.
My lips immediately trembled but I managed not to let him see it. Humugot ako ng isang malalim na paghinga at tumango.
"Sorry," tanging nasabi ko nalang at tumungo sa balkonahe.
Bakit ko bah nakakalimutan? Why do I have to get attach when I can just... let this mission end without expressing any feelings? Masyadong manhid ang kausap ko para ipakita sa kaniya ang totoo kong nararamdaman.
Rays of light from the lamp in the garden met my eyes. Mas lalong gumanda ang view ng hardin ng mga Desma dahil sa ilaw.
Pikit ang mata akong huminga nang malalim.
Kalma, Danity... kumalma ka lang at hintayin na matapos ang lecheng misyon na 'to.
Pagkabalik ko sa loob ay wala na akong nakitang Felix na nakaupo sa kama kaya mas lalo akong nanlumo. I tried to find my wrist watch and luckily, nakita ko agad iyon.
Lumabas ako ng kwarto at mabilis na tinungo ang study room kung saan doon raw ako magpapakilala sa Aunt Clarity nila. Magpapanggap na naman ako na parang ayos lang sa akin ang ginagawa ko kahit ang totoo hindi.
This isn't a study room. Iyon agad ang nasabi ko pagkapasok sa napakalawak na study room nila Feix. Isa na 'tong library na pwedeng pasukan ng isang milyon na tao. Chars lang. Based on my calculations na parang tanga, pwedeng makapasok ang 500 ka tao dito.
Malamya akong kumuha ng isang librong hindi pamilyar sa mga mata ko.
Siyempre hindi, ibang language ang nandito kaya hindi ko talaga gets. Para mukhang gets na gets ko ang libro, naghanap ako ng magandang puwesto.
Instead of sitting on a chair, I sat down on the floor, leaning my back on the wall then opened the book of I don't know kung ano ito basta libro.
Binuklat ko ang libro at sinimulan itong basahin kahit ang totoo, wala akong naiintindihan. Ito pala ang feeling ng mga prinsesa, parang libro lang ang kaibigan. How I wish having my phone here but no, I want to learn alone.
Kahit narinig ko ang pagbukas ng pinto, nanatili ang mga mata ko sa librong hawak. Wala talaga akong naiintindihan! Pero chos! Ano bah ang pakialam ko? Ipapakita ko sa tarantadong Felix na iyon na kaya kong magpanggap! He's too numb!
But my eyebrows met when I realized that he also has a story.
I should stop judging him or force him to understand me. Kung pagpapanggap lang lahat ng gagawin namin rito, edi magpanggap!
Pero in fairness. Felix is professional in this kind of thing pero... ang dami ko talagang pero! Tigilan ko na. Ako lang naman ang mababaliw. Ang gagawin ko nalang ay magbasa kahit wala akong maiintindihan. End of the story.
BINABASA MO ANG
He'll Be Mine (Mine Series #2)
ActionPublished: June 10, 2022 Finished: June 10, 2023