Fifty

109 3 2
                                    

Not yet the Ending.

Chapter 50.

Wedding Day.

"Hiii Yui! Kamusta na ang inaanak kong maganda? Ha?" panay ang pagtawa ni Yui nang kiniliti ko ang tagiliran niya. "Namiss mo bah si Tita Kathlyn? Hmm? Namiss mo bah ako?" mas lalo siyang natawa nang piningot ko ang kaniyang ilong.

Palaki nang palaki ang batang ito pero paganda nang paganda rin. Halos magkasing-edad lang sila ni Fatima kaya sobrang tuwa ko nang maisip ko na pwede akong pumunta rito kahit kailan sabi ni Therese. She congratulated me for my upcoming wedding and to my pregnancy.

Nakipaglaro na si Yui sa Ate niya kaya naiwan ako sa salas. Sumulpot naman si Therese na may dalang sandwich at juice. She smiled widely at me.

"Grabe... ang tagal mong nawala," komento niya.

"Hindi naman masyadong matagal. Sakto lang," natawa siya. "Ah! Nga pala... nasabi ko na bah sa 'yo ang gender ng baby ko?" tanong ko. Hindi ko kasi naalala na nasabi ko na bah aa kaniya ang tungkol roon.

Umiling siya. "Hindi pa... Why? Is it a boy? Or girl?" pilya akong ngumisi. Exaggerated siyang suminghap. "Kambal bah, Lyn?!"

"Baliw! Hindi 'noh! Ano ka bah! Baka mamatay ako nang maaga kung kambal," asik ko at napanguso siya. Sumimsim ako sa juice na dala niya. "Pero lalaki ang nasa tiyan ko."

"Woah... talaga?! Ang gwapo siguro nito paglabas niya!" I laughed when she gently touched my belly. "Naku! Excited ka na bah? Noong nagbuntis ako kay Aiya ay medyo masungit ako--"

"Anong 'medyo'? Sobrang sungit mo nga!" umirap siya. "Pero ayos lang iyon. Gusto kong lumaki ang inaanak kong maangas gaya ng Ninang niya." tamad niya akong tiningnan at binaling ang atensyon kay Yui na sinusuklayan ang Ate niya kahit hindi pa naman siya marunong.

I laughed at that thought. Gusto kong magsama si Fatima at Yui paglaki nila pero kung hindi man, gusto kong pagtagpuin sila ng tadhana. I want them to be comrades in everything. If Yui can do the actions, Faith will be the one who'll do hacking.

"Sa tingin mo sa anak ko, parang may binabalak ka..." naputol ako sa pag-iisip at napatingin kay Therese. "May plano ka bah, Kathlyn?"

Makahulugan akong ngumiti. "Hindi ko muna sasabihin ngayon," nakita ko ang pag-aalala sa mata niya. "Don't worry, Therese. Sisguradohin kong papayag ka sa gusto kong mangyari kay Yui paglaki niya." dugtong ko sabay tapik sa balikat niya.

Nagtagal ako ng tatlong oras sa kanilang bahay bago nagpasyang magpasundo kay Kuya Kailean. Ayaw ni Mommy na magmaneho akong mag-isa kaya ginagamit ko si Kuya para sa transpo ko.

Hanggang ngayon ay hindi pa din magkasundo ang mga magulang ko. Dad has no choice but to give Mommy a wide space!

"How are you?" tanong ng kapatid ko pagsakay ko sa kaniyang kotse.

"Ayos lang naman. Natutuwa sa mga anak ni Therese," ngiting sagot ko. "Ikaw? Kamusta trabaho mo?"

"It was fun," bored na sagot niya kaya natawa ako. "Muntik na akong mapikon sa isang estudyante." nagulat ako sa biglaang pag-open niya.

"Oh? Bakit ka muntik napikon?"

"There's this kid who asked me somethings that aren't related to our fruit and vegetable topic," tumaas ang kilay ko. "When I handed him the banana, nagtanong siya kung wala bang saging na kulay brown."

Pinigilan ko ang sariling matawa. "Tapos? Ano ang nangyari?"

Bumuga siya ng hangin. "Tinanong ko kung bakit naghahanap siya ng brown na saging. And you know what he said?"

He'll Be Mine (Mine Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon