Chapter 25.
Nagseselos Talaga.
"So ano bah talaga ang real score ninyo ni Annalie?" taas ang isang kilay na tanong ko habang inaatake siya ng sipa at suntok.
Wala man lang ekspresyon ang mukha niya habang iniilagan ang atake ko. "Just friends, Kathy. Why are you asking?" tanong niya pabalik sabay ilag sa malakas kong pagsuntok.
Ngumuso ako at marahas na napabuga ng hangin. "Talaga lang ha? Matagal na bah kayong magkakilala? Baka malaman ko nalang isang araw na siya na ang isasama mo sa Sicily dahil kayo na mismo ang magpapanggap bilang mag-asawa." saad ko na nagpabuntong-hininga sa kaniya.
Tumigil siya bigla kaya inakala kong masisipa ko na talaga siya nang sipain niya ang paa ko dahilan para mahiga ako sa mat.
His face was so near. Kahit tahimik lang siya ay hinahabol niya rin pala ang kaniyang paghinga.
"Parang hindi nagpakilala nang maayos si Annalie sa 'yo," seryuso niyang sabi kaya nagtataka ko siyang tiningnan. "Annalie is a Desma, Kathy." he added and that made my mouth dropped open.
Inalalayan niya akong tumayo pero hindi ko tinanggap ang kamay niya at nanatiling nakatihaya sa sahig. 'Di ko alam kung ilang beses akong napakurap-kurap. Si Annalie... ay isang Desma? Ibig sabihin ay kamag-anak niya si Vittorio?! Lintek naman oh! Kaya pala nasabi kong may kamukha siya!
Wala sa sarili akong natawa saka tumayo.
Felix crossed his arms, raising his brows. Hinampas ko ang balikat niya at mabuti hinayaan niya ako. "Gago ka! Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?!"
He sighed heavily. "I just thought that she finally introduced herself to you," pinasadahan niya ako ng tingin. "At parang pangalan niya lang ang nalaman mo." aniya sabay irap.
Mas lalo akong natawa. Now I know why Annalie kept bugging me. Alam niyang ako ang poprotekta sa pamilya nila. Napapalakpak nalang ako sa pumapasok sa isipan ko. Mali yata na tinarayan ko siya pero wala akong pakialam.
"Stop grinning," nilingon ko si Felix. Tinaasan niya ako ng kilay. "You looked like a witch."
Tumawa ako na parang bruha. "Witch na maganda!" sabi ko.
Napailing siya at inaya na akong mag-training ulit. Ginanahan na akong ibigay lahat ng kaya ko at dahil roon ay ilang beses kong napatumba si Felix. Ang ugok naman ay wala namang sinasabi, tuloy-tuloy lang ang pag-ilag pero may pagkakataon rin na umaatake siya.
Isang linggo nalang at lilipad na kami papuntang Sicily. Kahit gustong-gusto kong sabihan si Yza tungkol rito, binalaan ako ni Felix. Baka ma-stress ko lang kasi ang pagbubuntis niya at natatakot akong masisi kung mangyayari iyon.
Gamit ang ducati ni Felix ay nagtungo ako sa dalampasigan para magpahangin.
Fresh air gives me fresh mind.
Nililipad na ang maikli kong buhok sa sobrang lakas ng ihip ng hangin.
While watching the waves of the ocean. May naramdaman agad akong presensiya. Hindi na ako nagtaka nang makita si Annalie na naglalakad patungo sa kung saan ako nakatayo.
"Hello," she greeted.
I did not look at her. "Hi," tipid na bati ko pabalik.
"So Xio already told you who am I," ramdam kong nakangiti siya nang sinabi niya iyon. I firmly nodded. "But! I still want to introduce myself."
BINABASA MO ANG
He'll Be Mine (Mine Series #2)
ActionPublished: June 10, 2022 Finished: June 10, 2023