Chapter 22.
Ako.
Decided to go for a jog early in the morning. Para na rin maikot ko 'tong malaking subdivision at makalanghap ng sariwang hangin sa umaga.
I sighed heavily as I thought na natigil ang pagti-training ni Felix sa akin dalawang araw ang nakalipas matapos lumabas si Yza galing sa ospital. Dahil walang training, hindi ko na rin siya nakikita. Wala rin naman akong magawa kaya hinayaan ko nalang ang araw na lumipas nang hindi siya nakikita.
Masaya din naman ako na kahit papaano ay gumaan at umayos ang pakiramdam ni Yza noong magdesisyon akong manatili sa tabi niya. I've heard that my parents went to Italy for something while Yzabelle's parents are in Florida for business.
Tita Yamiyah trust me so much for her daughter and I don't want to disappoint her. Pero sa tuwing binabanggit niya sa akin ang salitang 'Pinagkakatiwalaan kita'. Naaalala ko agad si Vaiden.
Bumuga ako ng hangin at binagalan ang pagtakbo.
I have to go to work today. Napaisip ako. Maybe I can visit him after my work. Matagal na noong huli kong bisita sa kaniya.
"Alone?" mas bumagal ang pagtakbo ko nang may sumulpot na magandang babae sa gilid ko.
I blinked alot of times to make sure if I am still seeing things clearly. Hindi sa naiinggit ako pero leche na... ang ganda nitong babae na 'to, ah? Her skin is very fair! Para na siyang binadbaran ng dose-dosenang harina dahil sa kaputian.
Sa gulat ay hindi ako nakapagsalita.
Marahan siyang natawa, sumabay sa paraan ng pagtakbo ko. "Why am I asking a question when the answer is already obvious?" natatawang kausap niya sa sarili.
Tumigil ako sa pagtakbo, ganoon rin siya. Malapad siyang ngumiti sa akin pero 'di ko magawang gawaran siya ng ngiti dahil hindi ko naman siya kilala.
I know I should be polite but no... I don't know her so I shouldn't be.
Nilahad niya ang maputi niyang kamay sa harapan ko. "I want to introduce myself," ngiting aniya. "Magandang umaga. Ako si Annalie... nice to meet you." nanliit ang mata ko sa slang ng tagalog niya.
I honestly hesitated if I will accept her hand to shake it but in the end, tinanggap ko ito pero agad na binawi.
"Kathlyn," tipid na pagpapakilala ko.
She chuckled for the second time. "So I can call you Kath--" I cut her off.
"No. Hindi tayo close para tawagin mo ako ng ganoon," peke akong ngumiti at tumakbo nang mabilis. Mabilis akong makaramdam at itong nararamdaman ko kay Annalie ay kagaya ng nararamdaman ko sa mga kaibigan ko.
I feel she's kind and good pero hindi dapat ako agad magtitiwala dahil masama iyon.
Hindi na ako nagtaka nang makitang sinundan ako ni Annalie.
"You're grumpy," she commented.
Tumaas saglit ang kanang kilay ko. "And I am not sorry for that," mataray kong tugon na nagpatawa na naman sa kaniya.
I tried to increase the speed of my jog pero mukhang mahilig din itong tumakbo si Annalie dahil nakakasabay siya sa 'kin. Maganda siya pero hindi dapat ako manlumo dahil lamang ang kagandahan ko sa kaniya.
"Did you know? I started living here 2 weeks ago,"
"Wala namang nagtanong." pambabara ko habang tumatakbo pa rin.
BINABASA MO ANG
He'll Be Mine (Mine Series #2)
ActionPublished: June 10, 2022 Finished: June 10, 2023
