Forty- One

91 0 0
                                    

Chapter 41.

Punishment.

Nakakapagod! Lalo na at presko pa ang sugat ko sa kamay. Hay naku... sana hindi ko nalang sinuntok ang salamin sa bahay ko. Kainis na buhay. Magtatanghali na pero wala pa ang amo ko.

Magluluto na bah ako?

I finished mopping the floor and cleaning the rooms except for my boss' room na mukhang triniple ang lock sa loob sa sobrang tigas ng pinto.

Huminga ako nang malalim at pinagpatuloy ang paglalaba. Kahit mahapdi ang mga kamay ay patuloy pa rin ako. Baka wala akong sweldo kung titigil ako.

Gamit ang brasong may bula ay pinunasan ko ang noo ko.

I don't know kung ilang oras akong naglaba pero natapos ko lahat ng puting polo, T-shirt at pati na ang mga pants at mga pajamas. Hula ko ay lalaki ang amo ko. Halata naman sa mga damit na nilabhan ko.

"Kakapagod..." asik ko at umupo sa malaking sofa sa salas. "Gutom na gutom na ako. Makapagluto na nga." tumayo ako at nag-inat-inat.

Hawak ko ang window duster habang papalabas.

Lumabas ako sa sala at saktong paglabas ko ay pagbukas ng main door ng bahay. Una kong tiningnan ang mamahaling sapatos pataas sa gray niya na slacks patungo sa maamong mukha ng aking boss na si...

Nabitawan ko ang hinahawakan nang matitigan ko ang mukha ni Felixio Rin na mukhang galit na makita ako.

"Who the hell are you?" parang kulog ang boses na tanong niya.

"U-uhh... ano... Felix--" napatili ako nang mahigpit niyang hinawakan ang braso ko at walang pasabi na hinila palabas. "A-ano'ng gagawin mo? Bitawan mo ako-- ahhh!" tinulak niya ako dahilan para madapa ako.

"What are you doing here? Don't you dare tell me you are my new slave?" humahapdi ang siko ko. "Are you that desperate, Miss Viornole?! Na sa sobrang desperada mo, handa kang maging katulong?! Huh?! Sagutin mo ako!" nanlamig ang katawan ko nang makitang ang daming dugo sa sugat ng siko ko.

I can't answer him. Mas nag-aalala ako sa sugat ko.

"Answer me---"

"Wala akong mahanap na trabaho!" sigaw ko. "Wala naman akong alam na ikaw pala ang amo ko! Oo! Desperada ako! Desperada akong makahanap ng pera dahil..." bigla akong natauhan.

"Dahil ano? Ituloy mo!" napapikit na ako sa lakas ng boses niya.

Mas nagulat ako nang hawakan niya ang buhok ko at hinila para umangat ang aking mata sa kaniya. "Kung ako sa 'yo, umalis ka na! Do you think I will still accept you as my slave?! Huh?!  Umalis ka!" may nangilid na luha sa mata ko sa sakit na idinulot ng ginawa niya.

Nanginig ang labi ko. "M-masakit, Felix..." mariin pero maliit ang boses na ani ko.

"Do you think I care?!" marahas niyang binitawan ang buhok ko kaya nadapa ako ulit. "Umalis ka! Ayaw kitang makita!" sigaw pero umiling ako.

"K-kailangan ko ng trab--"

"Wala akong pakialam! Umalis ka!" he looked so furious while yelling at me.

Maingat akong tumayo at muntik nang mawalan ng balanse. Pinigilan ko ang sarili na mapaiyak 'tsaka siya matapang na tinitigan. "Hindi ako aalis. Ano man ang gawin mo, hinding-hindi ako aalis dahil kailangan ko ng pera. Kahit pagiging waitress yata, hindi ako tatanggapin at hindi ko alam kung bakit!"

His jaw clenched.

Humugot ako ng isang malalim na paghinga. "Pahirapan mo man ako, hindi pa rin ako aalis! Tandaan mo 'yan... dahil sa oras na mapagod ako," nagkatitigan kaming dalawa. "Hindi talaga ako aalis."

He'll Be Mine (Mine Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon