17. An Old Friend

2.5K 104 7
                                    

  

 

           "AN OLD FRIEND"

Malakas na sinuntok ni Vaulant ang dingding ng gusali ng kanilang headquarters matapos niyang marinig ang kuwento nina Bony at Ziggur. Nasira ang dingding ng gusali ngunit ilang segundo lang ay unti-unti iyong nabuo. Bumalik iyon sa dati.

"Kung ganoon, hindi lang pala nagtraidor ang mga tarantadong lase! Nagawa pa nilang kumampi kina Blade!!" galit nitong wika.

Hindi niya aakalain na mangyayari pa ang para sa kanya ay napaka-imposibleng bagay. Mariin namang ikinuyom ni Bony ang kanyang kanang-kamao.

"Basta, ipaubaya niyo sa akin si Zech. Siya ang dahilan kung bakit nahuli ang kakambal kong si Colossus! Igaganti ko siya."

Fraternal twin sila kaya hindi sila magkamukha. Ganoon pa man, magkapareho ang kanilang kakayahan. Nasa lupa ang kanilang kapangyarihan.

"Sa'yung-sa'yo lang siya. Pero hayaan mo kaming bigyan siya ng aming ipaparusa. Sa tingin ko, matagal nang nagtratraidor sa atin si Zech. Ngayon nga lang natin natuklasan ang lahat." comment ni Ike.

"Tama ka. Kapag nahuli natin siya, ipapagutay ko siya kay Bony." mariing wika ni Tumand.

Samantala... Kasalukuyang ginagamot ni Crescent si Creta. Muli kasing nagbukas ang mga natamo niyang sugat sa kanyang dibdib.

"Inumin mo ang tsaa na ito. Gawa iyan sa mga halamang gamot na matatagpuan lamang sa aming mundo. Tatlong-araw lang at siguradong tuluyan nang mawawala ang mga natamo mong pinsala. Lalakas ka rin." wika ni Crescent.

"Salamat..."

Ngumiti ng matipid si Creta sa binata na bagong kakilala niya. Kasama nito ang albularyo nitong tatay na si Lolo Gusting at ang nakababata nitong kapatid na si Baste. Kakikilala pa lang niya sa kanila.

"Ano, kamusta ang pasyente?" tanong ni Hunter.

"Magiging okay na siya kapag nainom na niya ang gamot na ibinigay ko." sagot ni Crescent.

"Salamat." wika ni Zech.

"Wala iyon. Doktor ako at trabaho kong gamutin ang sinumang nangangailangan. Sige, kailangan ko nang umalis. Marami pang pasyente ang naghihintay sa akin." paalam ni Crescent.

Nagpaalam na rin sina Lolo Gusting at Baste. Si Blade ang naghatid sa kanila hanggang sa may gate ng simbahan. Pagkatapos noon ay agad na siyang bumalik sa silid na tinutuluyan ni Creta. Huminga siya ng malalim. Alam na ng kanilang mga kalaban na magkakasama na sila... Mariin niyang ikinuyom ang kanyang kamao. Malaking kabayaran ang siningil ni Vaulant kay Creta noong una nitong subukang magbago. Siningil nito ang kaligayahan nito, ang buhay ng mga pinakamamahal nitong pamilya. Sinisiguro niya na tutulungan niya ang kanyang kaibigan na kunin ang hustisyang nararapat para sa kanya.

Masayang nagkukuwentuhan ang mga kaibigan niya ng dumating siya. Naghanda ng oatmel cookies na may raisins si Hunter. Tinapik niya ang pinto at natigil ang tawanan.

"Ehem! Hindi niyo ako inantay ah? Abuwisit ak pa!" nakangiti niyang bungad.

Talagang tumingin pa siya sa mga cookies na nilalantakan nila.

"Alam namin kasi na kapag nauna ka, kaunti na lang ang matitira." napaismid na wika ni Drake.

"Ganoon?!"

Sir Blade BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon