14. "JARS"

3K 119 5
                                    

     "JARS"

 

"Waiter!!.... EXTRA RICE nga!! Iwanan mo na kasi iyang hawak mo at kami na ang bahalang mag-refill sa mga plato namin. Unli rice kaya kaming lahat dito!"

"Ah... Eh..."

Hindi malaman ng waiter ang dapat na sabihin kay Blade. Ngumiti na lang ito ng alanganin habang naglalagay ng extra rice sa plato nito. Limang extra rice...

"Apat nga na extra rice sa akin!" sigaw ni Creta.

"Ako, lima ang gusto ko!" si Drake...

"Teka, iyong sabaw namin, bakit wala pa?! May utang kayong sabaw sa amin noong huli kaming kumain dito ah?! Tsaka, kalamansi nga para sa sawsawan... Bigyan mo din ako ng apat na extra rice!" si Hunter...

"Extra rice din sa akin, lima..." pasimpleng wika ni Zech.

Aligaga ang mga crew sa fastfood dahil kina Blade... Tama, nanlibre si Blade sa Mang Inasal, kagaya ng promise niya kay Rane... Pero mahigpit niyang ibinilin sa lahat na dapat, masulit ng todo ang libre niya... Napailing si Rane at napahinga ng malalim habang umiinom ng nestea, hanggang tatlong extra rice lang ang kaya ng sikmura niya... May dessert pang halo-halo mamaya, kaya dapat may space ang tiyan niya para doon...

"Alam niyo, malapit nang ipaskil dito sa Mang Inasal ang mga pagmumukha niyo... Nilulugi niyo na sa katakawan niyo eh..." di niya napigilang comment.

"Alam mo, Rane, sinusulit lang namin ang libre ni Blade. Minsan lang naman mangyari ito eh." wika ni Hunter.

Ngumiti ang mga lalaki sa sinabi nito.

"Hayaan niyo, ako naman ang babawi sa susunod. Kahit na bukas na bukas din, ako naman ang manlilibre!" biglang anunsyo ni Zech.

"Yeah!!... Aasahan namin iyan!" masiglang wika ni Blade.

Naghiyawan ang mga ito sa tuwa at sabay-sabay na sumubo ng pagkain. Palakihan pa... Nagkakamay silang lahat at panay ang kuwentuhan... Hanggang sa nauwi sa contest ang kanilang kainan, paramihan ng extra rice na makakain. Sa bandang-huli, si Drake ang nanalo... Labing-limang extra rice ang nakaya nitong kainin.

"Grabeh, sulit na sulit ang kain natin. Pero bilisan na nating umuwi, napasobra talaga ako ng kain... Kailangan kong mag-deposit!" wika ni Drake...

Napatingin ang lahat sa kanya at nahihiya siyang napayuko ng makita niya si Rane na kumakain ng halo-halo... Iti-nake-out nito ang dessert. Kasalukuyan silang nakasakay sa bus at pauwi na sila... Biglang huminto ang sasakyan, at ilang sandali pa... Naipit na sila sa traffic... Nainip na ang lahat, at hindi na nakatiis si Blade... Tinawag niya ang konduktor ng bus at...

"Ano bang nangyayari? Bakit traffic?" usisa niya.

"Eh Sir... Traffic kasi may magpapakamatay daw doon sa may fly-over. Balak niyang tumalon at pinipigilan siya ng mga pulis... Ang dami na ring ususero kaya nakalikha na ng traffic." paliwanag ng konduktor.

"Anak na lase, abuwisit ak pa! Magpapakamatay na nga lang, papansin pa ang animal ay! Nang-aabala pa ng iba! Eh kung umuwi na lang siya sa kanila at doon nagpakamatay eh di wala pa siyang naabala. Animal, kung nakeret di  ilibing sa sementeryo ang lase! Bakit kailangan pang pigilan eh gusto na nga niyang makeret?! Di lamayan! Aksaya sa oras naman 'to, Oo!" inis na comment ni Blade.

Sir Blade BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon