20. BROTHERS II

2.4K 120 9
                                    

 

 

 

 

 

              "BROTHERS II"

 

 

 

Habang naglalakad si Blade kasama ng kanyang mga kaibigan ay nakaramdam siya ng kakaibang activity sa kanyang tiyan. Napalunok siya at pinagpawisan. Nasobrahan yata siya sa pagkain ng mga ubas kanina. Ni hindi niya alam kung nakailang bugkos siya. Napahalukipkip siya kasi mas lalo yatang nagregodon ang kanyang tiyan. Hanggang sa....

"G-Guys! Sandali lang!" tawag niya sa mga kasama.

Napahinto ang lahat sa paglalakad at matamang tumingin sa kanya na nakahalukipkip na sapo ang tiyan.

"Bakit? Anong problema mo?" kunot-noong tanong ni Hunter.

"T-Time First! I can't fight this feeling anymore! Kailangan kong mag-withdraw ng sama ng loob! Napasobra ako ng kain sa mga ubas! Anak na lase!"

Natawa ng mahina ang mga kasama niya. Tinapik naman siya ni Drake sa kanyang balikat.

"Now, you know!" nang-aasar nitong wika.

Pagkatapos noon ay sutil itong humarap kina Zech, Hunter, at Creta. Nakamasid lang si Viper at natatawa sa mga magugulo niyang kasama.

"Guys! Sabay-sabay! Kantahin na natin ang theme song!" ang malakas na wika ni Drake.

Pagkasabi niya ay kinanta na nga nila ang I Can't Fight this feeling anymore... Sa chorus ng kanta. Gigil naman na iniumang ni Blade ang kanyang kanang-kamao sa lahat.

"Baon-inayong animal! Anak na lase!" pikon niyang wika.

Ngayong masama ang pakiramdam niya, maikli ang kanyang pasensiya.

"Tama na! Tumigil na nga kayo. Ang mabuti pa, bigyan na lang natin ng privacy si Blade!" saway ni Viper sa lahat.

Nagpasaway naman ang mga ito pero nagsihagalpakan ng tawa. Npahalukipkip naman si Blade.

"Salamat, p're. Ang bait mo." wika niya kay Viper.

"Ahm, hindi naman. Heto nga pala, nagdala ako ng mga tissue."

Iniabot ni Viper ang isang roll ng tissue kay Blade. Agad naman iyong kinuha ng huli.

"Thank you, ha? Iba talaga kapag may boyscout kang kasama. Laging handa!"

Sumaludo si Blade kay Viper. Isang simpleng ngiti ang isinagot nito.

"Sige na, maghanap ka na ng private place. Pero huwag kang masyadong lalayo ah? Delekado sa gubat na ito."

"Salamat sa paalala. Basta nasa akin itong sunstone na ibinigay mo, eh safe ako sa kadiliman."

Tumalikod na si Blade.

"Asus, pa-tissue-tissue pa. Sana hindi mo na lang siya binigyan ng tissue. Okay na iyan sa stick! Ha ha ha ha!" pahabol pang pang-aasar ni Drake.

"Anak na lase ka! Baon-inam, Drake!"

"Okitnam din naman sa'yo ah! Humayo ka na nga at tumae ng mapayapa!"

Hindi na sumagot si Blade pero iniumang na lang nito ang kanang-kamao kay Drake bago ito tuluyang naglaho sa may mga puno. Tumawa na lang si Drake sa ginawa ng kaibigan niya.

Sir Blade BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon