"PEARL"
Napangiti si Blade ng makita niya ang mga perang naipon mula sa pakulo ni Drake na Hug and Kisses. Fifty pesos kapag yakap at isang daan kapag kiss sa cheeks. Willing din na naki-join sa pakulo ang kanilang mga kaibigan at mga co-contestants sa Mr. Pogi. Alang-alang naman iyon sa nasunog na Orphanage kaya naman tumulong ang lahat.
Napatanga si Drake ng biglang may dumating na customer at dumukot ng kung ano sa dibdib nito. Lalo siyang napatanga ng ilapag nito sa mesa ang tumataginting na dalawang libo. Napataas siya ng tingin at isang maluwang na ngiti ang isinukli nito.
"Fafa! Gusto ko ng kiss sa lips! Dapat iyong matagal ah? Dalawang-libo iyan!"
Kumagat ito sa labi at binasa pa iyon. Biglang nagdilim ang paningin ni Drake. Ito iyong badang na si Jesusa. Medyo panot na ang ulo nito, maitim, may kalakihan ang tiyan at one sit apart ang mga ngipin. Hindi naman sa panlalait... Pero sa cheeks lang ang inaalok nila hindi sa lips! Anong akala nito sa pakulo niya? Mga call boys sila?! Nakakainsulto iyon ah?!
"Grrr! Abuwisit ak pa! Makakapatay ako nito!" mahina niyang wika.
Narinig naman ni Hunter si Drake at napangiwi siya ng makita niya ang madilim nitong mukha. Nanlaki ang mga mata niya ng makita niyang tumalas ang mga kuko nito sa kamay. Napatingin siya sa pinanggigigilan nito... Hindi niya alam pero mukhang may nagawa itong ikinagalit ni Drake. Bigla niyang hinila si Drake palayo.
"Sorry! Biglang sumama ang pakiramdam ni Mr. Pogi! Napagod yata siya!"
Kinaladkad niya paalis si Drake.
"Huminahon ka, Drake!"
"Eh siya eh! Anong akala niya sa atin, mga call boys?! Abuwisit ak pa!!"
"Huwag mo nang patulan."
Nadismaya naman si Jesusa pero nakita niya sa tabi si Blade. Nakipag-hug ito sa ilang bading at naki-picture. Nang umalis na ang mga ito ay..
"Fafa! Pakiss sa lips! Two-thousand!"
Tumingin si Blade sa nagsalita.
"Baon-inam!.." suplado niyang wika.
Iniumang niya ang kanyang kamao.
"Hmmf! Suplado!!!..."
Nagwalk-out na ito. Natawa naman si Hunter sa nakitang eksena. Niyaya na niya pabalik si Drake doon sa puwesto. Sa kabilang banda naman ay may naisip na dagdag na parusa si Zech kay Azrael. Fifty-pesos kapag magpapa-picture dito at isang daan kapag gustung humawak sa abs ni Azrael. Marami ang nakapila doon. Walang magawa si Azrael kundi ang tumupad sa usapan.
"Sige, hawakan niyo lang. Basta huwag kukunin!" proud pa niyang wika.
Isa na namang kalokohan ang naisip ni Creta. Kung negosyo ang pag-uusapan eh magaling yata siya doon. Pumunta siya sa gitna at tumuntong sa mesa.
"GUYS!!!!... Mayroon akong announcement!!!"
Natuon ang atensyon ng lahat kay Creta.
"Ano naman kaya ang naisip niya?" wala sa sariling wika ni Azrael.

BINABASA MO ANG
Sir Blade BOOK 2
FantasiThe Return, The Comeback, ang pagbabalik ng story ng anghel na si Blade na makapal ang mukha, malupit, patay-gutom, at di mapigilan ang bunganga na magmura.... Kasama siyempre ang tropa niyang sina Hunter at Drake... At si Rane with the BLB High Sch...