26. The Musician

2.5K 110 2
                                    

          

                                                     "The Musician"



Mag-isang naglalakad si Bony sa isang napakalumang sementeryo. Tumingala siya sa arko at napangiti. Tumuloy siya sa loob noon at nagtungo sa isang lumang tore na nasa gitna ng sementeryo. Pumasok siya sa loob ng tore at umakyat sa itaas. Bahagya siyang huminto ng marating niya ang pintuan ng libingang pupuntahan niya. Mariin niyang ikinuyom ang kanyang mga kamao. Binuksan na niya ang pinto at naglaglagan ang makakapal na alikabok. Narinig din niya ang matining nitong pag-ingit dahil sa kalumaan. Pumasok na siya sa loob at nakita niya ang batong-libingan. Napapaligiran na ng vines iyon ng kadena de amor na hitik na sa pink nitong bulaklak. Binasa niya ang pangalang nakaukit sa libingan.

"Guiseppe Tartini. Ang musician na nahumaling sa musika ng diyablo at kasamaan. Dating matalik na kaibigan ni Zech..."

Isang ngiti ang namutawi sa labi ni Bony. Gusto niyang gantihan si Zech sa paraang masasaktan ang hindi pisikal nitong katawan kundi ang damdamin nito. Para sa twin-brother niyang si Colossus, ipadarama niya dito ang pait ng kanyang ganti.

"Pababalikin kita, Guiseppe Tartini. Pero hindi bilang kaibigan ni Zech kundi bilang kaaway niya." mariin pa niyang wika.

Binuksan na niya ang batong-libingan. Nalantad sa kanya ang napakalumang kabaong. Binuksan niya ang kabaong at nalantad sa kanya ang isang kalansay na may yakap na violin sa dibdib nito at isang napakalumang music composition... Puno ng makapal na alikabok ang loob ng kabaong. Hinipan niya ang makapal na alikabok na bumabalot sa papel kung saan nakasulat ang music composition. Nabasa niya ang title: The Devil's Trill Sonata.

Napahawak siya sa kanyang baba at napaisip. Ang alam lang niyang mayroon ay ang Demon's Sonata at Devil's Music. Isang ngisi ang sumilay sa labi ni Bony. Nakagawa pa pala ng isa pang music composition ang musician na si Guiseppe bago ito mamatay. Iyon nga lang ay hindi na nito nagawang tugtugin pa iyon. Pero ngayon ay bibigyan niya ito ng pagkakataon at gagamitin nito iyon laban kay Zech.

"Magaling... Mas magiging enteresante ang munti niyong reunion ni Zech."

Pagkatapos noon ay inilislis na niya ang suot niyang polo at iniumang ang kanyang kanang-braso sa bangkay. Mula sa bulsa ng kanyang pantalon ay kinuha niya ang isang beinte-nuebe na patalim. Sinugatan niya ang kanyang braso at ipinatak ang kanyang dugo sa bangkay. Buong-katawan ang pinatakan niya. Matapos niyang patakan ng kanyang dugo ang buong-kalansay ay gumawa siya ng itim na pentagram sa ibabaw nito. Umilaw ang pentagram. Medyo manghihina siya ng matagal sa kanyang gagawin dahil bubuhay siya ng isang patay. Pero, bahala na! Lumapit siya sa kalansay ay hiningahan niya ang bibig nito. Unti-unting nabalot ng mist ang kalansay.... Lumayo na siya ng kaunti. Nakikita na ni Bony ang pagbabago sa kalansay. Nagkakaroon na ito ng laman ng paunti-unti.... Ilang sandali pa ay tuluyan nang nagkaroon ng katawan ang kalansay.

Iyon nga lang ay napakaputla ng kulay ng balat nito. Mas maputla pa doon sa Blood demon na kaibigan ni Blade. Mas wala itong buhay tingnan. Ipinitik niya ang kanyang daliri. Pagkapitik ng kanyang mga daliri ay biglang nagmulat ng mga mata ang bangkay na kanyang binuhay.

"H-Huh?!"

Gulat na napakurap si Guiseppe ng imulat niya ang kanyang mga mata. Napanganga siya at nakita niya ang yakap niyang violin na alam niyang kasama niya sa kanyang libingan. Gulat siyang napatingin sa kanyang mga kamay na mayroong laman...

"B-Buhay ako?" di makapaniwala niyang wika.

Nagtataka siyang bumangon mula sa kanyang libingan. Tumingin siya sa paligid at nakita niya ang isang lalaki na may sugat sa braso. Pawisan at matamang nakatingin sa kanya. Ngumiti sa kanya ang lalaki.

Sir Blade BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon