19. "BROTHERS"

2.7K 106 3
                                    

                "BROTHERS"

 

 

 

 Napangiti si Hunter ng mapatingin siya sa mukha ni Serene na katabi niya.  Kasalukuyan silang nakaupo sa tabi ng swimming pool sa bahay nila Rane. Nandoon silang lahat at masayang nagpi-picnic. Ginawa nila ang simpleng party na iyon para sa pag-welcome kay Drake.

"Masaya ako na nagkita ulit tayo at salamat naman kasi buhay si Drake. Kaya lang, natakot ako ng todo ng makita ko siyang lumabas mula sa kabaong." natatawang wika ni Serene.

Alam niya ang lahat ng sekreto ng magkakaibigan. Sina Karen, Conrad at ang iba pa nilang mga kamag-anak ang walang alam tungkol sa tunay na pagkatao ng mga ito. Kasama na siyempre ang mga taga-BLBNHS. Napahinga ng malalim si Hunter.

"Alam mo, mabuti na lang nagawang burahin ni Zech ang alaala ng mga tao tungkol sa naging burol ni Drake. Dahil kapag nagkataon, tiyak na nagkakagulo na ang mundo sa kanya. Malaking balita iyon."

"Tama ka."

Napatingin sila kina Blade at Drake na busy sa paghaharutan sa pool. Napangiti naman si Rane ng lumapit siya kina Conrad at Creta. Tinuturuan ng huli si Conrad na lumangoy sa malalim na parte ng swimming pool. Naupo siya sa gilid.

"Conrad, baka sipunin ka niyan ah?" puna niya sa kanyang kapatid.

"Hindi ate." mabilis nitong sagot.

Ngumiti si Creta sa kanya. Lumangoy ito palapit at saka tumingin sa kanyang mukha.

"Mabilis matuto ang kapatid mo. Matalino siyang bata." wika nito.

Napangiti siya sa sinabi nito.

"Oo. Pero huwag mo siyang masyadong i-spoild Kuya. Magaling mamihasa iyan eh."

"Bata eh. Alam mo, kung buhay siguro ang anak ko baka kasing laki na siya ni Conrad ngayon. Tiyak na may sakit na ako sa ulo. Alam mo iyon?" naiiyak nitong wika.

Nakadama siya ng simpatya dito. Huminga siya ng malalim.

"Siguro magkamukha kayo ano?" wika na lang niya.

"Hindi, mix ang mukha namin ng asawa kong si Rome. Pareho kasi kaming nag-enjoy eh." he grin evil.

"Kuya!"

Napasimangot siya at saka binasa niya ng tubig ang mukha nito.

"Nakakaasar ka!" wika niya bago magwalk-out.

Narinig niya ang mahinang tawa nito noong tumalikod siya.

"Sorry! Nakalimutan kong bata ka pa pala! Hindi ba iyon naituro sa Biology niyo? The mystery of life?!" pahabol pa nitong wika.

"Ewan ko sa'yo!" naasar niyang wika.

Nagtawanan din ang iba. Lumapit siya kay Zech na nakaupo at busy sa pagbabasa habang umiinom ng tsaa. Nakangiti ito sa kanya pero iyong tipong nang-aasar. Pinagtatawanan din siya nito.

"Asar ka rin." wika niya bago siya naupo sa tabi nito.

Napatingin siya sa mga nagkakasayahan sa pool. Nagkibit-balikat lang si Zech sa kanya.

"Nakita mo ba si Karen?" tanong niya kay Zech.

Uminom muna ito ng tsaa bago nagsalita.

"Kasama niya si Ai. Lumabas silang dalawa para bumili ng softdrinks at pagkain." sagot ni Zech.

Sir Blade BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon