"His name is... Sebastian?!"
Nagtatakang napatingin si Hydrian sa kanyang mga kamay. May kakaiba siyang naramdaman... Nakarinig siya ng tunog ng pagpatak ng tubig. Umalingawngaw iyon sa buong paligid. Sinundan niya ang pinanggalingan ng tunog at nakita niya ang isang lawa. Tumingin siya sa paligid, tila nasa kawalan siya dahil wala siyang makita doon kundi puting-paligid. Tumingin siya sa lawa at bahagya siyang nagulat ng makita niya ang kanyang sarili. Kulay-itim ang kanang-bahagi ng kanyang buhok at puti naman ang kaliwa. Bukod doon ay magkaiba din ang kulay ng mga mata niya. Brown sa kanan at red naman sa kaliwa. Napabuka ang labi niya at nanlaki ang mga mata niya ng unti-unting bumuka mula sa kanyang likod ang isang pares ng pakpak na magkaiba ng kulay... Puting-puti ang pakpak na nasa kanan niyang likod. Halos kasing-puti iyon ng mga ulap sa langit at kabaliktaran naman ng kaliwa niyang pakpak. Itim na itim iyon at may mga sungay pa sa gilid. Hindi siya makapagsalita ng unti-unting bumalot sa kanya ang mga pakpak na iyon at nilamon siya ng madilim na anino...
Napasinghap si Hydrian ng magising siya sa panaginip na iyon.
"Huh?!!.."
Mabilis siyang bumangon at agad na kinapa ang kanyang likod. Nakahinga siya ng maluwag ng wala siyang nakapa na kahit na anong kakaiba doon. Marahas siyang napahilamos sa kanyang mukha. Tumingin siya sa relo... 3:45 am na. Saka niya naalala na may trabaho nga pala siya. Tuluyan na siyang bumangon sa kama at inayos iyon. Pumasok siya sa banyo at humarap sa salamin. Napasuklay siya sa buhok niyang may magkaibang-kulay. Napatingin siya sa kahon ng hair-dye na nakalapag sa harap ng salamin. Kinuha niya iyon at agad na siyang nagsimulang magkulay sa puti niyang buhok. Ibinabad niya ang buhok niya sa hair-dye na kulay-itim ng isang-oras bago niya binanlawan. Matapos niyang banlawan ang kinulayan niyang buhok ay agad siyang tumingin sa salamin. Nanghihina siyang napasabunot sa kanyang ulo. Kagaya ng dati ay hindi umipekto dito ang pangkulay ng buhok. Kulay-puti pa rin iyon.
"Ano bang gagawin ko sa'yo?!" medyo gigil niyang wika.
Nang walang ano-ano'y nahagip ng mga mata niya ang gunting na nasa gilid. Kinuha niya iyon at napasuklay sa lagpas-balikat niyang buhok. Gugupitan na lang niya ang buhok niya. Hindi naman iyong masyadong maikli ang balak niyang gupit pero iyong tipong pormal tingnan. Nagsimula na siya sa paggugupit habang nakaharap sa salamin.
"Ikaw si Sebastian... Iyon ang pangalan mo..." paalala niya sa kanyang sarili.
Natatakot kasi siya na baka pati ang bago niyang pangalan ay bigla niyang makalimutan. Ano bang klaseng sakit ang mayroon siya? Nang matapos niyang gupitan ang sarili ay muli niyang tiningnang maigi ang kanyang sarili sa salamin. He felt satisfied on what he saw... Huminga siya ng malalim at saka na siya tuluyang pumasok sa loob ng banyo para maligo. At nang matapos siyang maligo ay agad na siyang nagbihis para makapag-umpisa na siya sa unang araw niya... Bilang isang personal butler.
Yamot na itinalukbong ni Alexa ang kumot sa kanyang mukha ng makakita siya ng nakakasilaw na liwanag. Dumapa siya. Masama ang pakiramdam niya. Nagkasakit yata siya dahil sa matagal na pagkakababad sa malamig na tubig kagabi.
"Wake up, sleepy head!"
Napangiti siya ng matipid nang marinig niya ang masiglang boses na iyon. Hindi siya nanaginip. Ngayon bigla niyang na-realize na hindi na siya mag-isa. Marahan niyang inalis ang kumot na nakatalukbong sa kanyang mukha at agad na hinanap ang pinanggalingan ng boses na iyon. Napatanga siya at napakurap ng makita niya ang bumungad sa kanya sa umaga. Maikli na ang buhok nitong may magkaibang-kulay at bagay dito iyon dahil mas na-enhance ang good looks nito. Napatingin siya dito pataas at pababa... He was wearing a gray suit with matching red gloves. Napailing siya at natawa ng mahina. Nasapo niya ang bibig.
BINABASA MO ANG
Sir Blade BOOK 2
FantasiaThe Return, The Comeback, ang pagbabalik ng story ng anghel na si Blade na makapal ang mukha, malupit, patay-gutom, at di mapigilan ang bunganga na magmura.... Kasama siyempre ang tropa niyang sina Hunter at Drake... At si Rane with the BLB High Sch...