"The Proposal"
"Alexa, matagal ka pa ba diyan?" naiinip na tanong ni Sebastian.
Kinatok niya ng tatlong-beses ang pinto ng banyo. Natigilan naman si Alexa at bahagyang nataranta. Ang lakas ng kabog ng puso niya at saka siya napatingin sa hawak niyang pregnancy test kit. Pumikit siya at muling nagmulat ng mga mata para tingnan kung totoo ba talaga ang nakikita niyang result... Pero totoo nga talaga! Dalawang guhit na pula ang nakalagay, positive! Ilang beses siyang napahinga ng malalim at saka pasimpleng sinapo ang kanyang dibdib. Nag-poker face siya bago niya binuksan ang pinto at lumabas ng banyo. Nadatnan niya sa bungad ng banyo si Sebastian na halatang kinakabahan at nag-aalala.
"K-Kamusta?" tanong ni Sebastian.
Hindi nagsalita si Alexa pero bigla na lang niya itong niyakap ng mahigpit sa sobrang excitement. Impit siyang napatili.
"Ayos ka lang?" nag-aalala pang tanong ni Sebastian.
Hinarap niya ito at ikinulong niya ang mukha nito sa kanyang mga kamay. Mabilis niya itong hinalikan sa labi sabay sabing....
"Positive! I'm pregnant, Seb!" excited niyang wika.
Napabuka ang labi ni Sebastian pero hindi siya makapagsalita. Maraming beses siyang napakurap pero nang tuluyan na siyang makabawi sa pagkakabigla ay mahigpit niyang niyakap pabalik si Alexa kasunod noon ang paghalik niya sa buo nitong mukha. Hindi pa rin siya makapagsalita dala ng labis na excitement.
"Masaya ako, sobra... But I'm scared. Hindi ko alam kung kaya kong maging mabuting Mommy..."
"Alexa, you're going to be a very good Mom. There's nothing to be scared of.. I'm here for you and for our baby. Di ko kayo iiwanan kahit na anong mangyari. Hindi mo lang alam kung gaano ako kasaya ngayon. Di na nga ako makapagsalita kanina eh... Thanks for everything! Your a blessing in disguise..."
Masuyong hinalikan ni Sebastian ang noo ni Alexa. Hinaplos naman ng huli ang pisngi ng binata.
"If I'm your blessing... Well, your my angel in disguise, Seb... You save me from burden of being alone. I love you..."
"I love you, Alexa..."
He smack a gentle sweet kiss... But slow it became intense and passionate...
Samantala... Ikinukuwento ni Hunter sa mga kasama ang engkuwentro niya sa mga demon na creation ni Beelzebub. Matamang napatingin sa kanya ang lahat.
"Ang mga demon na nakaharap ko, bahagi ng isang malaking army... Mukhang nagplaplano ng annihilation si Beelzebub. Mahihina para sa atin ang mga demon na nakaharap ko pero kaya nang pumatay ng mga iyon ng napakaraming tao."
"Kung ganoon, kailangan nating maghanda para sa nalalapit na laban. Siguradong hindi biro ang bagay na iyon." wika ni Azrael.
Nakasabay ito nina Blade sa daan noong inihatid nila sina Rane, Daisy, Conrad at Sienna sa kani-kanilang bahay.
"Nalase, hindi natin uurungan ang lahat ng iyan!" pakli din ni Blade.
Nakadama siya ng pag-aalala para sa mga tao lalo na iyong mga malalapit na sa kanya at mahal niya. Gagawin niya ang lahat huwag lang silang mapahamak.
Kinabukasan... Nagtatakang napatingin si Daisy sa mukha ni Sebastian. Uwian na nila sa school at inaabangan siya ng binata sa gate ng kanilang school. Mayroon na naman ba kayang ipinapabili ang ate Alexa niya? Iba na talaga ang pagke-crave nito ng pagkain ah?
BINABASA MO ANG
Sir Blade BOOK 2
FantasiaThe Return, The Comeback, ang pagbabalik ng story ng anghel na si Blade na makapal ang mukha, malupit, patay-gutom, at di mapigilan ang bunganga na magmura.... Kasama siyempre ang tropa niyang sina Hunter at Drake... At si Rane with the BLB High Sch...