"PARUSA AGAIN!!!..."
"Ginawa mo na, Hydrian. Magaling! Alam mo bang natuwa ako sa naging reaksyon nina Vaulant. Nakakatawa ang pagkagulat ng kanilang mga mukha."
Napatingin si Hydrian sa lalaking nagsalita. Napangisi siya ng nakakaloko.
"Beelzebub..." wika niya.
Beelzebub-one of the Seven Prince of Hell. The sin of Gluttony.
"Dahil natuwa ako sa ginawa mo, gusto kong dagdagan ang iyong lakas..."
Ipinitik nito ang mga daliri sa kanang-kamay at sa isang iglap lang ay lumitaw ang isang goblet at hawak na nito iyon. Sinugatan nito ang braso at ipinatak doon ang sarili nitong dugo.
"Ikaw ang magiging commander ko dito sa mundong ibabaw. Pero gusto ko lang ipaalam sa'yo na hindi mo dapat kalabanin sina Vaulant. Tumiwalag ka lang sa kanila pero hindi ibig-sabihin noon na kaaway mo na sila. Tandaan mo na ang mga sundalo ng langit ang mga kalaban natin. Tayo ang mga nilalang na itinapon nila at pagbabayaran nila iyon... Kukunin natin ang mundong pinakamamahal nila. At maging ang mga tao na walang-kuwentang mga nilalang na kanilang pinoprotektahan at pinahahalagahan ay magiging atin din. Nanakawin natin ang kanilang mga masasamang kaluluwa para maging ating lakas."
Ininom ni Hydrian ang dugo ni Beelzebub. Kulay-itim iyon. Naramdaman niya ang pagbalot ng matinding kasamaan sa buo niyang katawan at katauhan. Natuwa siya sa pakiramdam noon.
"Malinaw sa akin." sagot niya.
"Sa ngayon, maglay-low ka muna. Titipon ako ng magiging hukbo mo. At ako na rin ang bahalang magpaliwanag kina Vaulant. Sisiguruhin kong hindi ka nila gagalawin."
"Siya nga pala, paano ang ibang Prince of Hell?"
"Wala silang pakialam basta alam nilang hindi ka namin kalaban. Aalis na muna ako at maghahanap ng malalakas na demon sa hell. Isa pa, malaki na sa porsiyento ng aking lakas ang nawawala habang nagtatagal ako dito sa lupa. Bye!"
Mula sa anino ng kadiliman ay naglaho na si Beelzebub.
Samantala... Galit na sinuntok ni Legion ang pader ng kanilang headquarters. Yumanig ang buong paligid at tila mawawasak na ang buong gusali.
"Humanda talaga sa akin ang Hydrian na iyan! Muntik na akong mapahamak nang dahil sa kanya! Gaganti ako!.." gigil niyang wika.
"Tama. Muntik ka na kasing nakeret na lase. Mabuti na lang at hindi pinatulan ng Blood Demon ang kabaliwan niya." nakangising wika ni Ike.
"Baon-inam!"
"Same to you!"
Akmang susugod ng suntok si Legion kay Ike pero isang malakas na kapangyarihan ang lumitaw. Nakarinig sila ng nakakalokong tawa sa buong paligid. Tumingin sila sa pinanggalingan noon at nakita nila ang lalaking may brown na buhok na lagpas-balikat. Naka-de-kuwatro ito at matamang nakatingin ang kulay-ube nitong mga mata sa kanila. Nakangisi ito ng nakakaloko. Nakasuot ito ng itim na polo-shirt at maong na pantalon na kulay-asul. Naka-rubbershoes ito.
"Ang saya naman, mukhang nagkakainitan kayo dito ah?" sabay-suklay sa buhok at tumawa.
"Beelzebub..." seryosong wika ni Vaulant.
"Ako nga, my dear Vaulant. Ako nga."
Nilaro ni Beelzebub ang dulo ng strands ng kanyang buhok at matamang tumingin sa mukha ng lahat.
"Nakakatawang pagmasdan ang inyong mga frustrated na mukha." comment pa niya.
Napikon si Legion.
![](https://img.wattpad.com/cover/21675759-288-k12802.jpg)
BINABASA MO ANG
Sir Blade BOOK 2
FantasyThe Return, The Comeback, ang pagbabalik ng story ng anghel na si Blade na makapal ang mukha, malupit, patay-gutom, at di mapigilan ang bunganga na magmura.... Kasama siyempre ang tropa niyang sina Hunter at Drake... At si Rane with the BLB High Sch...