46. PICNIC

2.3K 114 17
                                    



              "PICNIC"

Matamang nakatingin si Azrael sa mukha ni Raphael habang kaharap niya. Kadarating lang nito at nasa may terrace sila ng bahay ni Drake. Nakapamulsa siya.

"Huwag mo nga akong titigan ng ganyan. Baka isipin ko, may gusto ka na sa akin." pabirong wika ni Raphael.

Huminga ng malalim si Azrael at napahawak sa kanyang sintido.

"Sabihin mo, bakit nga ba ipinasabi kay Lola Milagros ang nalalapit niyang pagpanaw?"

Nagkibit-balikat si Raphael.

"Mahiwaga ang buhay. Minsan, kailangan nating ipakita sa mga tao kung nasaan ang totoo nilang kayamanan."

"Ang apo niya, si Jewel...?"

Matiim na tumitig sa kanya si Raphael. Isang matipid na ngiti ang namutawi sa labi nito.

"Tama ang hinala ko. Kinakausap mo ako hindi dahil kay Lola Milagros kundi sa apo niyang si Jewel."

Napatango si Azrael.

"Nagkataon lang ba na kamukha siya ni Belle at katulad sa maraming aspeto..? Ano ang mayroon sa pagkatao ni Jewel?"

Sumandal sa may balaster si Raphael at tumingin sa magandang tanawin. Dapit-hapon na at nag-aagawan ang liwanag at dilim.

"Kahit na creation ni Beelzebub si Belle, naging mabuti siyang tao maski naging maiksi ang buhay niya. Ang mga katulad niyang nilalang, karapatdapat bigyan ng pagkakataon para muling bumalik at maranasan kung ano ang buhay. Tama ang hinala mo, si Jewel at Belle ay iisa. Ayaw ko nang mag-explain ng marami kasi komplikado iyon. Tandaan mo na lang na walang imposible sa ating Ama." itinuro ni Raphael ang langit.

Napatanga si Azrael at napalunok. Napahawak siya sa pendant ng kanyang kuwintas at ang bilis ng tibok ng puso niya.

"Iyon nga lang, wala siyang naaalala na kahit na ano. Nabubuhay siya ngayon sa bago niyang katauhan. Pero, siya pa rin naman si Belle. Sa pagkakataong ito, ikaw na ang bahala. May karapatan kang magdesisyon kung ano ang iyong gagawin."

Nangilid sa mga mata ni Azrael ang mga luha. Unti-unting gumuhit ang ngiti sa kanyang labi hanggang sa matawa siya ng mahina. Napailing siya ng bahagya at napatingala sa langit.

"H-Hindi ko alam kung ano ang dapat kong sabihin. Sobra akong masaya. Ang tagal kong hinintay na matupad ang mga dasal ko... Hindi ako makapaniwala..."

Lumapit sa kanya si Raphael at tinapik ang kanan niyang balikat. Pasimple siyang nagpunas ng kanyang mga luha.

"Ang mga tunay na lalaki lang talaga ang marunong umiyak. Anyway, mayroon pa bang latik?" biglang wika ni Raphael.

Nang marinig ni Azrael ang huling sinabi ng kanyang kausap ay nawala na ang madrama niyang moment. Nasapo niya ang kanyang bibig at nakaramdam siya ng pagbaliktad ng kanyang sikmura. Mabilis siyang tumakbo at nagpunta sa banyo. Napakunot-noo naman si Raphael nang makita niya ang reaction ni Azrael.

"Anong nangyari doon? Na-overjoyed? Hmf! Ako na nga lang ang manghihingi ng latik kina Blade kung may natira pa!"

Kinabukasan ay abala sa paglalagay ng mga pagkain sa baunan sina Blade at Drake. Sasamahan nila ngayong araw si Conrad sa paghahanap ng insekto sa gubat para sa project nito sa science pero ang ending... Naisipan nilang lahat na isabay ang pagpi-picnic para mas masaya.

"Okay na ba itong kanin?" tanong ni Drake kay Blade.

"Dagdagan mo pa. Sa akin palang, kulang na iyan eh!"

Sir Blade BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon