10. The Birthday Part II

2.1K 100 5
                                    

                                                       "The Birthday"

                                                             Part II

Matamang nakatingin kay Blade ang lahat ng pumunta siya sa garden. Para siyang specimen na sinusuring maigi. Tumayo si Rane at naglakad palapit sa kanya. Mataman siyang tumunghay sa mukha nito at matipid na ngumiti. Halatang nag-aalala ito... Tumigil siya sa paglakad.

"Kamusta? Pumayag ba si ate Serene sa plano mo?"

Bumuntung-hininga muna siya bago magsalita. Halatang hinihintay ng lahat ang sasabihin niya.

"Ang sabi niya, pag-iisipan muna niya ang lahat." wika niya.

Nadismaya ang lahat sa sinabi niya. Napasuntok sa hangin si Drake at napailing.

"Relax... Chill... Alam kong papayag siya dahil iyon ang nababasa ko sa kanyang mga mata. Kailangan lang niyang payapain ang kanyang kalooban dahil masyado pa siyang nabibigla. Ganoon pa man, mayroon pa akong plan B kung sakaling hindi pumayag si Serene sa plano ko."

Napakunot-noo ang lahat sa huling sinabi niya.

"At ano namang plan B iyon, aber?" untag ni Drake sa kanya.

"Ahm... Saka ko na lang sasabihin kapag hindi pumayag si Serene!" nakakalokong wika ni Blade.

"Aaaay!" nadismayang wika ng lahat.

"Teka, nasaan sina Karen at Conrad?" tanong niya kay Rane.

"Si Conrad, busy sa pakikipaglaro kay Sienna. Si Karen naman, busy sa paggawa ng damit na susuotin niyo ni ate Serene para sa intermission niyo. Tinutulungan siya ni Mommy."

"Mabuti, mabuti kung ganoon. Drake, puwede bang ituro mo kina Apollo at Adonis ang tugtog ng sayaw na iyon?"

"Okay! Madali lang iyon. Sa guitar, bagay ang latin music para masabayan ang mabilis na beat ng drum... Basta tandaan mo, Blade... Sa beat ng drum nakasalalay ang tiyempo ng inyong katawan at sa gitara naman ang emosyon... Kaya lang, saan tayo puwedeng magpraktis?" napatingin si Drake kay Trevor na matamang nakikinig.

Ngumiti ito at mayabang na tumingin sa lahat.

"Doon tayo sa malaking treehouse ko. Nasa dulo iyon ng taniman ng mga citrus at malapit iyon sa ilog."

Naging excited ang lahat sa sinabi nito. Laking paghanga nila ng masilayan ang treehouse na sinasabi ni Trevor. Nasa higanteng puno ng balete iyon. Sa gilid ng puno makikita ang paikot na hagdan papunta sa itaas kung saan naroon ang treehouse. Umakyat na sila at napahanga talaga sila sa kanilang nakikita. Maluwag ang treehouse at may daan papunta sa ibaba sa loob ng puno. Gawa sa kahoy ang lahat ng gamit na naroon. Kinuha ni Trevor ang gitara at agad na iniabot iyon kay Adonis. Pagkatapos ay kinuha naman ni Apollo ang tambol na naroon.

"Mahilig kaming maglaro bilang mga sundalo noon nila Kuya. Kaming apat ang gumawa sa treehouse na ito. Medyo hilig ko ang pagtipa ng gitara at ang tambol diyan... Laruan ni Kuya Tri, feeling Indian siya noon eh." wika ni Trevor.

"Whew... Astig!" puri ni Blade.

Napasipol lang si Drake.

Samantala... Mariing naipikit ni Serene ang kanyang mga mata habang lumiliit ng paunti-unti ang distansiya ng mga mukha nila ni Hunter. Tuliro siya at iyon na lang ang bagay na puwede niyang gawin, ang ipikit ang kanyang mga mata at gisingin ang sarili niya sa isang panaginip. Naramdaman niya ang tuluyang pagdampi ng malambot na labi sa labi niya at ngayon... Alam na alam niyang hindi ito panaginip. Ang pakiramdam na iyon, sobra niyang namiss.

Sir Blade BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon