2. "Sariling Sikap"

3.5K 143 12
                                        

 

             "Sariling Sikap"

 

 

"Uy, Hunter! Ibili mo nga ako ng tinapay sa labas. Gusto ko munang kumain bago matulog." kulit ni Drake.

Busy sa pagkakalikot sa cellphone si Hunter ng mga sandaling iyon.

"Wait lang, pinapaliguan ko pa si Pou eh." yamot nitong sagot.

"Hay, anak na lase! Ako na ang bibili, Drake. Ikaw naman Hunter, adik na adik ka na diyan kay Pou." pakli ni Blade.

"Eh gusto ko ng may inaalagaan eh. Walang basagan ng trip, puwede? Baka mga mukha niyo ang basagin ko.." balewalang sagot ni Hunter.

Inabutan na ni Drake ng pera si Blade... Pagkatapos noon ay binalingan na nito si Hunter na busy pa rin kay Pou. Napangisi siya dahil may kalokohan siyang naisip.

"Gusto mo ng may inaalagaan? Kaya nagtiyatiyaga ka diyan kay Pou?! Abuwisit ak pa!"

"Walang basagan ng trip!" iritable na nitong wika.

Tumawa ng nakakaloko si Drake.

"Ha ha ha ha ha! Kung gusto mo talaga ng may inaalagaan... Eh di uminom ng ka ng energy drink!"

Yamot na sumulyap si Hunter kay Drake... Nanatili namang nakamasid lang si Blade sa dalawa.

"Aanhin ko naman ang pag-inom ng energy drink, aber?"

"Kailangan mo iyon kasi lilipad ka ng malayo... Pupuntahan mo si Serene at pagkatapos... Mag-request ka... Gawa kayo ng maaalagaan mo... Remembrance mo. He he he he he!"

Tawa ng tawa si Drake, ganoon din si Blade.

" Araratan!!.. Good idea! Kuha mo! Anak na lase!" nag-thumbs up pa ito sa kaibigan.

Galit na ibinaba ni Hunter ang cellphone at mabilis na nilapitan si Drake. At...

"WAAAAAHHHH!!!!.... T-Tulungan mo ako, B-Blade!!!!..."

Sinasakal kasi ni Hunter si Drake... Gigil na gigil ito. Halatang napikon.

"Pagkatuwaan niyo na ako... Pero huwag niyong idamay si Serene sa mga kalokohan niyo!!!..."

"B-BLADE!!!!!...."

Napakamot na lang sa batok si Blade at tumawa.

"Hunter, huwag mong tuluyan si Drake ah? Bestfriend ko iyan." wika lang niya.

Naglakad na siya at lumabas.

"Huwag kang mag-alala, hindi ko pa naman siya ililibing!"

"TAAAAAHHH!!!!..."

Napangisi na lang si Blade sa kanyang narinig. Nagpatuloy na siya sa paglalakad. Agad niyang pinuntahan ang bakery kung saan nagpa-part time si Francis.

"Sir! Ano pong bibilhin niyo?" magalang na wika sa kanya ni Francis.

Nakangiti ito sa kanya ng maluwang.

"Wait, pipili muna ako.."

"Sige, Sir!" masigla nitong wika.

Pinasadahan niya ang estante kung saan naka-display ang mga tinapay.

"Hmmm.... Bigyan mo ako ng apat na ensaymada, tatlong egg tart... At limang spanish bread..."

Napangisi siya, hindi naman kasi nilinaw ni Drake kung anong tinapay ang bibilhin at kung ilan... 'Bahala siya...' Naglagay agad sa papel na supot si Francis ng mga tinapay na binanggit niya. Agad niya itong binayaran matapos nitong iabot sa kanya ang supot.

Sir Blade BOOK 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon