"MUSIC"
Nagkakatuwaan sa canteen ang mga tao dahil naisipan ni Hunter na magpalaro ng Pinoy Henyo. Sagot ni Hunter ang foods ng pares na mananalo... Ang nakasalang ngayon ay si Blade at ang bading na si Leah... Tagatanong si Leah at si Blade ang tagasagot ng Oo, Hindi at Puwede. Ang kanilang magic word ay MOSQUITO NET. Two minutes ang time limit.
"Tao?"
"Hindi!"
"Bagay?"
"Oo!"
"Ginagamit sa katawan ng tao?" tanong ni Leah.
"Hindi!"
"Gamit sa bahay?"
"Oo!"
"Ahm... Makikita sa sala?"
"Hindi!"
"Ahm... Sa kusina, Sir?"
"Hindi!" mariing wika ni Blade.
"Sa banyo?"
"Animal, hindi!"
"Sa kuwarto?"
"Oo!"
"Kumot, kama, bedsheet, punda....?"
"HINDI!"
"Kutson?!"
"No na hindi!"
"Kulambo!"
Napangiti si Blade...
"Siyempre, Yes na Oo!" masigla niyang sagot...
"English?" excited na tanong ni Leah.
"Oo!"
"Ahm... Musketero?!" napangiwing wika ni Leah.
( Musketero-local term namin sa kulambo )
"Animal ka naman, hindi ah! English!" tarantang wika ni Blade.
Excited pa naman siya dahil mukhang sila ni Leah ang mananalo sa pakulo ni Hunter... Kapag nagkataon, madami siyang makakain... Iniisip palang niya ay excited na siya... Nai-imagine na niya ang sarili na nasa harap ng mesa na puno ng pagkain...
"Ala, Sir! Anto ey? Anong english ng kulambo?!" napangiwing untag ni Leah...
( Anto ey?- Ano na? )
Nagtawanan ang mga tao sa tinuran nito. Nawala naman ang iniisip ni Blade at napangiwing tumingin kay Leah... Tumingin siya kay Hunter at pinanlakihan siya nito ng mga mata. Isa iyong WARNING.... Napalunok siya at ibinalik muli ang atensyon sa kasama niya...
"Ahm... Kulambo... English... Musketero...? Ahm...." na-mental block na si Leah dahil sa sobrang excitement kanina.
Unti-unti namang nawawala ang excitement na nararamdaman ni Blade... Napalitan na iyon ng kaba. Patuloy naman sa pag-iisip si Leah pero black na ang nakikita niya sa utak niya... Kinabahan na rin siya kaya lalo lang siyang di makapag-isip ng maayos... Nagsimula nang manlamig ang mga kamay niya at pinagpawisan na siya ng malapot...
"Ang english ba ng kulambo ay..."
"Ay...?" nabibiting wika ni Blade.
Pero natahimik ulit si Leah... Matagal na katahimikan... Inaabangan naman ng lahat ang sagot nito.
BINABASA MO ANG
Sir Blade BOOK 2
FantasiThe Return, The Comeback, ang pagbabalik ng story ng anghel na si Blade na makapal ang mukha, malupit, patay-gutom, at di mapigilan ang bunganga na magmura.... Kasama siyempre ang tropa niyang sina Hunter at Drake... At si Rane with the BLB High Sch...
