21. SECOND CHANCE?

2.4K 125 11
                                    

"SECOND CHANCE?"

"GOOD MORNING, CLASS!" masiglang bati ni Blade sa kanyang mga estudiyante.

"GOOD MORNING, SIR BLADE!!..." masiglang bati pabalik ng mga bata.

Dahil doon ay lalong gumanda ang mood ni Blade. Napatingin siya sa ilang basket na nasa tabi niya. Mga pasalubong niya iyon sa mga bata.

"Class, nitong weekend ay lumakad kami ng mga tropa ko. Nagpunta kami sa farm ng isang kaibigan at dahil mahal ko kayo, hindi ko kayo nakalimutang dalhan ng pasalubong!"

Matapos magsalita ni Blade ay inalis niya ang puting-tela na nakatakip sa mga basket na naroon sa gilid. Humahangang napatingin ang mga bata sa mga hinog na ubas na naroon.

"Wow... Talaga bang bibigyan mo kami niyan, Sir?" tulirong tanong ni Louie.

Humalukipkip si Blade at ngumiti sa lahat.

"Oo naman. Nauna na nga naming binigyan ni Hunter ang buong faculty kanina eh. Boys! I-distribute niyo na ang mga ubas. Basta kainin niyo mamayang recess, huwag sa klase ko." paalala pa ni Blade.

Agad namang tumalima ang mga lalaki at agad na tumayo at naglakad papunta sa kinaroroonan ng mga basket na may lamang ubas. Kinuha nila ang mga iyon at idinistribute. Nang huminto si Wilbur sa tapat ni Rane ay nalito siya. Itim na itim ang mga ubas at halatang hinog na hinog na. Napalunok siya. Napatingin siya sa dalawang bugkos na naroon. Alanganin siyang tumingin sa mukha ni Wilbur.

"Alin ang pipiliin ko? Malalaki o maliliit?"

Parang kaunti kasing tingnan iyong bugkos ng malalaking ubas. Mukha namang marami ang sa maliliit. Napaisip din si Wilbur at matamang tumingin sa mga ubas na tinitingnan niya.

"Kung sa akin lang, Rane... Ang pipiliin ko ay iyong malalaki kasi mas malalasahan mo ang tamis ng prutas. Kasi kapag maliliit, marami nga, bitin naman." comment ni Wilbur.

Napangiti si Rane. Kinuha niya ang malalaking bugkos.

"Salamat!" wika niya.

"Welcome!"

Nagpatuloy na sa paglilibot si Wilbur. Napangiti naman si Blade ng makita niyang masaya ang mga bata sa pasalubong niya. Napasandal siya sa mesa at bahagya pa siyang nagulat ng mag-ring ang cellphone niya. Tiningnan niya iyon at si Creta ang tumatawag. Sinagot niya agad ang tawag.

"Bakit? May klase ako." pakli niya.

"Alam ko. Si Father Piyo ang nagpatawag sa akin. Ang sabi niya, sabihin ko sa'yo na nasunog iyong Orphanage sa may Mount Carmil. Tinatanong ni Father kung okay ba kayong tumulong sa pagbibigay ng kaunting assistant sa mga bata na nakatira sa ampunan. Sa Sabado kami pupunta. Medyo busy pa kasi kami ngayon sa pangangalap ng kaunting tulong para sa kanila eh." mahabang wika ni Creta.

"May nasaktan ba?" usisa pa ni Blade.

"Wala naman."

"Salamat naman kay Boss kung ganoon. Sige, huwag kang mag-alala at isasama ko ang mga estudiyante ko sa project na iyan."

"Sa katunayan, papunta na kami ni Father Piyo diyan sa school. Hihingi kami ng kaunting tulong, alam mo na."

"Ah, okay sige. Ako na ang bahala. Ingat na lang. Bye!"

"Bye!"

Ini-end na niya ang tawag. Napabutung-hininga siya at humarap sa mga bata. Eksaktong katatapos lang ipamigay ng mga estudiyante niyang lalaki ang mga ubas na pasalubong niya.

Sir Blade BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon