15. JARS II

2.8K 126 13
                                    

          

       

               "JARS II"

 

 

Panay ang buntung-hininga ni Creta habang nakatitig sa malalim na ilog. Nagre-reflect sa tubig ang crescent moon. Walang kaulap-ulap sa langit ng gabing iyon, napakaaliwalas.

"Ano bang iniisip mo?" untag ni Zech.

Huminga ng malalim si Creta at tumingin sa mukha ng kasama niya.

"Hindi lang ako makapaniwala na madali lang akong mapapatawad ni Blade. At hindi rin ako makapaniwala na magbubukas ang pinto ng tahanan ni Ama para sa akin noong nangangailangan ako. Pero napakasakit ng katotohanang sumampal sa akin... Ang laki kong tanga. Ang hirap ng ganito, iyong makaramdam ka ng matinding sakit pero hindi ka mamatay-matay. Kaya hindi ko maintindihan ang ibang mga nilalang kung bakit sila naghahangad ng walang-hanggang buhay... Mahirap matauhan, pero masaya ring makalaya. Ikaw, anong nangyari sa'yo? Bakit bigla kang umalis sa Black Circle Organization?"

Ngumiti ng matipid si Zech kay Creta at pagkatapos noon ay tumingala siya sa langit. Iniangat niya sa ere ang kanyang kanang-kamay na para bang hinahawakan niya ang langit.

"Alam mo kasi, narinig ko ang pagtawag sa akin ni Ama. Kahit na napakatagal ng panahon, hindi pala siya nagsawa sa pagtawag sa akin. Hindi siya tumigil na maabot niya ang puso ko. Kaya heto ako ngayon, gustung maging mabuting anak. At masaya naman ako ngayon."

"Masaya ka kasi in love ka. Ngayon siguro, maiintindihan mo na ako. Nakakabaliw ang umibig, hindi ba?"

Sumeryoso ang mukha ni Zech at napayuko. Itinuon niya nag buong atensyon sa tubig ng ilog.

"Tama ka." matipid niyang wika.

"Kaya lang, may karibal ka."

Isang mapait na ngiti ang sumilay sa labi ni Zech.

"Kung nauna lang sana niya akong nakilala. Kung ako sana ang nauna, Creta... Kung ako lang sana ang unang napalapit sa kanya..."

Humalukipkip si Zech at napakamot naman sa ulo si Creta.

"Alam mo, manghuli na tayo ng isda. Baka hinihintay na nila tayo ng mga kasama natin." pag-iiba na lang ni Creta ng topic.

"Mabuti pa nga."

Samantala, tahimik si Drake at panay lang ang tingin niya sa kanyang kaibigan habang naglalakad sila para maghanap ng kanilang makakain sa hapunan. Nailang na si Blade sa kilos ng kanyang bestfriend.

"Why, bakit, aken, apay?!" yamot niyang tanong.

"Hindi lang ako makapaniwala na ang dali mong napatawad sina Zech at Creta. Di ba, grabe ang hinanakit at galit mo sa mga kasamahan mong trumaidor sa'yo?" tanong nito.

Natahimik si Blade at sumeryoso ang mukha.

"My friend, madaling magpatawad kung sincere naman at nagsisisi ang humihingi. Ang importante at mahalaga, natauhan na sila. Kahit na naging pasaway ang mga anak na lalase na iyon, mga kapatid ko pa rin sila. Pare-pareho pa rin kaming mga sundalo ng langit. Isa pa, past is past, di ba?"

"Hindi lang halata, pero ang bait mo friend!"

Tinapik ni Drake ang balikat ng kanyang kaibigan.

Sir Blade BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon