12. UNMASK

2.3K 100 10
                                        

 

 

 

      "UNMASK"

 

"Class, good morning! Kamusta ang mga bakasyon niyo noong Semestral break? Okay ba, ha?" tanong ni Blade sa mga estudiyante niya.

Matamang ngumiti sa kanya ang lahat.

"Sir, bitin! Paggawa ng projects ang inatupag namin. Kayo lang ang hindi nagbigay sa amin ng task." wika ni Louie.

"Ganoon ba? Tsk, tsk, wala kayong magagawa. Ako lang ang hindi KJ eh. Siya nga pala, wala pa kayong project sa akin sa P.E... Hindi ko naman puwedeng tingnan ang langit para ma-compute ko ang grades niyo.. Sa ngayon, wala pa akong maisip. Anong suggestion niyo?" untag niya sa mga bata.

Natigilan ang mga ito at nag-isip ng maisa-suggest sa kanya. Tumayo si Barry.

"Sir! Ayusin kaya ulit namin ang garden sa bahay mo?" wika nito.

Sandaling nag-isip si Blade.

"Huh, kaaayos ko lang noon. Nagbunot na ako ng mga damo doon." wika niya.

Nadismaya ang mga estudiyante niya sa sinabi niya. Hangga't maaari ayaw niyang bigyan ng mahirap, lalo na ng magastos na project ang mga bata. Ayaw na niyang dagdagan ang paghihirap ng mga ito. Tumayo siya at umupo sa ibabaw ng mesa. Napade-kuwatro siya at napangalumbaba. Nag-isip siya ng malalim... Tapos, may ideya na sumingit sa utak niya. Napapitik siya sa hangin.

"Alam ko na, guys!" masigla niyang wika sa mga bata.

"SIR, ANO?!" sabay-sabay na tanong ng mga ito.

"Ang project niyo sa akin ay Sayaw! Hahatiin ko kayo sa groups at maghanda na kayo ng music at routine ng inyong sayaw. Bibigyan ko kayo ng isang linggo para makabuo kayo. Galingan niyo dahil mataas ang grades na ibibigay ko sa grupong pinakamagaling. At para mas ma-inspired kayo, mag-iimbita ako ng judges." masaya niyang wika.

Nagkatinginan ang mga bata at nagbulungan.

"Sige, Sir! Mukhang masaya nga iyan!" wika ni Van.

Nagkasundo na silang lahat at sinimulan na niyang hatiin ang mga ito sa groups nang by alphabetical. Nahati ang mga ito sa limang grupo.

Samantala... Abala sa paglilinis ng kanyang silid si Creta ng makaramdam siya ng kakaibang hangin na bigla na lang pumasok.

"Mukhang busy ka, aking kapatid?"

Natigilan siya ng marinig niya ang magaan na boses na iyon. Napatingin siya sa lugar na pinagmulan ng nagsalita. Natuliro siya ng makita niya si Michael-one of the seven archangels. Naglakad ito palapit sa kanya at hindi niya magawang gumalaw o magsalita man lang. Masyado siyang captivated. Tinapik nito ang balikat niya ng makalapit ito sa kanya.

"Mabuti naman at hindi ka na bulag. Salamat at nagising ka na rin sa katotohanan."

Huminga siya ng malalim at kusang nangilid sa kanyang mga mata ang luha.

"P-Patawad..." sincere niyang wika.

"Alam ko... Kagaya ni Zech, karapat-dapat kang bigyan ng pagkakataon. Sobra na ang hirap at pasakit na pinagdaanan mo. Kailangang makamit mo ang iyong hustisya. Pero Creta, kailangang mapatunayan mong muli ang iyong sarili." makahulugang wika ni Michael.

Sir Blade BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon