38. The Gift

1.8K 106 7
                                        

       

               "The Gift"

Napangiti si Rane nang buksan niya ang regalong nakuha niya sa kanilang christmas party. Si Blade ang nakabunot sa kanya.

"Ang cute!" bulalas niya.

Isa iyong silver na bracelet na may designs ng angel-wings. Itinaas pa niya ang bracelet at kuminang sa liwanag ng buwan ang mga palamuti nitong kristal na kasama ng mga pakpak. Nasa hardin siya sa terrace ng kanyang silid.

"Sorry ah? Iyan lang ang kaya ng budget ko eh."

Napatingin siya sa nagsalita at nakita niya si Blade na nakangiti ng matipid. May hawak itong regalo na medyo kalakihan. Si Zech ang nakabunot dito.

"Gustung-gusto ko kaya ito. Ang cute."

"Salamat naman kung ganoon. Pumunta ako dito para tingnan kung natuwa ka sa regalo ko. Salamat naman at nagustuhan mo."

Sumandal si Rane sa balaster.

"Hindi naman iyong halaga ng regalo ang importante kundi iyong value noong nagbigay. Itinuro iyon sa amin ni Daddy noong mga bata pa kami ni Karen. Ikaw, ano naman ang natanggap mo?"

Tumingin si Blade sa may kalakihang kahon ng regalo na hawak niya. Si Zech ang nagbigay noon. Ito ang monito niya ngayong pasko.

"Ewan ko, hindi ko pa alam. Napag-usapan kasi namin ng tropa na sa bahay namin bubuksan ng sabay-sabay ang mga regalong natanggap namin."

"Ang daya naman! Gusto sanang makita ang regalo mo eh."

"Ipapakita ko na lang bukas. Anyway, kailangan ko nang umalis. Siguradong inaantay na ako ng mga tukmol na iyon. Merry Christmas na lang!"

Bago pa makapagsalita si Rane ay mabilis nang naglaho na parang bola si Blade. Napakurap na lang siya at napangiti. Isinuot na niya ang bracelet.

"Merry Christmas." mahina niyang wika.

Samantala... Napahinga ng malalim si Alexa habang naglalakad sa malawak na hardin ng kanyang bahay. Katatapos lang niyang um-attend sa kasal ng malayo niyang pinsan. Nakasuot siya ng puting-dress na lagpas tuhod at nakaayos ng bridge ang buhok niya. Nakayapak lang siya dahil masakit na ang paa niya sa suot niyang sapatos. Bitbit iyon ni Sebastian na matamang nakasunod sa kanya. Tumingin siya dito.

"How do I look?" bigla niyang tanong.

Hindi sumagot si Sebastian pero isang matipid na ngiti ang namutawi sa labi nito. Naiinis siyang tumingin dito at naupo sa may batuhan. Tumayo ito sa harap niya habang bitbit nito ang mga sapatos niya.

"Nakaka-badtrip!" bigla niyang pakli.

"Why? The Wedding is very nice. Everybody is happy."

"Huwag ka ngang umasta na parang hindi mo alam kung bakit ako badtrip." napangalumbaba niyang wika.

"Badtrip ka dahil pini-pressure ka nila na sumunod nang mag-asawa kaso ayaw mo. Or hindi ka lang makapaniwala na may happy ending?"

Natigilan si Alexa at napaangat ng tingin. Napatitig siya sa mukha ni Sebastian na seryosong nakatingin sa kanya. Nasapol siya sa huling sinabi nito.

"I hit you on the core, right? Alin doon, iyong una o pangalawang sinabi ko?"

Nanatili siyang nakatingin dito pero hindi siya sumagot. Masyadong maraming opinyon ang Sebastian na ito sa lahat ng bagay. Masyadong matalino... Kaya kung minsan, pinaghihinalaan niya itong nagpapanggap lang na walang maalala. Umupo si Sebastian sa kanyang tabi.

Sir Blade BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon