4. "Throw-Back" Part II

2.7K 108 10
                                    

           "Throw-Back"

                 Part II

 

"Nang mga sandaling tumakbo ako at pinulot ang espada... Hindi na ako nag-iisip. Basta ang nakatatak lang sa utak ko ay iligtas si Avana. Tumakbo ako at basta na lang sumugod sa malaking Orc.... At iyon ang start, the beginning at ang simula kung paano ako naging bayani dito sa mundo ng mga Engkanto." kuwento ni Lolo Gusting.

Dismayado naman ang lahat at...

"Ano ba iyan! Bitin naman eh! Nalase ka naman, Tanda! Ang ganda na eh.... Bakit?!" bitin na bitin na wika ni Blade.

"Kaya nga! Hindi niyo pa naikukuwento kung paano na-Kegtot ang puso niyo! Wala pang romance! Ituloy mo na, Lolo Gusting!" segunda ni Drake.

"Bitin talaga, Lolo!" si Hunter.

Nagreact na rin si Ai at ang magkapatid na Crescent at Baste...

"Tatay naman, hindi pa namin alam ang kuwentong iyan eh... Sige na, gusto naming malaman kung paano kayo nagkakilala ni Ina!" kulit ni Crescent.

Marahas na napabuntung-hininga si Lolo Gusting at napatingin sa lahat.

"Kung gusto niyong ituloy ko ang kuwento ko, painumin niyo ako ng kape para hindi ako antukin. Anak, magtimpla ka ng kape. Kanina ko pa gustung magkape." sabay tingin kay Crescent.

Biglang tumingin si Crescent kay Baste at...

"Magtimpla ka ng kape." utos nito.

Tumingin din bigla si Baste kay Hunter.

"Kuya Hunter, kape daw."

"Uy, Drake... Magtimpla kang kape!"

Nabigla ng bahagya si Drake pero agad din namang nakabawi.

"Ai, kape daw!"

"Blade sensei... Kape daw!"

"Uy, Tanda... Magtimpla ka daw ng kape!"

"Ay Oo, sige sandali..."

Tumayo ang matanda at akmang maglalakad ng bigla itong matigilan. Napahagikgik naman si Avana na nasa balikat ni Baste.

"Abuwisit ak pa!!... Mga walang-hiya kayong lahat! Eh ako ang nagpapatimpla ng kape ah?!!... Ibinalik niyo lang sa akin ang utos ko!! Anak na lase!..." galit na wika ni Lolo Gusting.

Napangiwi ang lahat.

"Relax ka lang ka lang, Tanda! Ang puso mo, baka atakehin ka ng wala sa oras eh makeret ka diyan! Pero infairness, malutong ka rin naman palang magmura kapag nagagalit..." pakli ni Blade.

"Bakit, sino bang taong galit ang makakapagsalita pa ng maganda, ha?"

Tumawa si Blade at ang lahat... Pagkatapos ay muling nagsalita si Blade...

"Teka lang Tanda... Nasaan pala iyong nakakatuwang Tikbalang sa kuwento mo... Iyong si Tars?" curious na tanong ni Blade.

Natigilan si Lolo Gusting sa tanong na iyon ni Blade... Ganoon din si Avana, biglang nagdilim ang mukha nito at humagulgol ng iyak... Katahimikan ang namayani sa lahat... Matagal na tumitig si Blade sa mukha ni Lolo Gusting at naaaninag niya doon ang pagngilid ng mga luha nito sa mga mata. Ngumiti ito ng matipid... Tumayo si Crescent at bumuntung-hininga ng marahas.

Sir Blade BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon