"MR. POGI"
Naglakad papunta sa gitna ng sala si Uriel at iniladlad ang poster na hawak nito sa kanang-kamay.
"Heto na ang sagot sa inyong problema! MR. POGI contest! Kung sasali kayo, tiyak na malaki ang chance na makuha ng isa sa inyo ang 100K na grand prize plus, mga minor awards! Bagay ito sa inyo dahil labanan ito ng paguwapuhan! Kaya ano pang inaantay niyong lahat? Game na!" masiglang wika ni Uriel.
Ilang beses na napakurap ang lahat at tulirong napatingin sa poster na hawak ni Uriel. Hindi basta-basta ang paligsahan na iyon dahil karamihan sa mga sponsors ay brand ng mga mamahaling pabango at ilang sikat na Men's Clothing line. Unang nakabawi sa pagkagulat si Zech. Ngumiti siya ng alanganin.
"T-Teka lang, puwede bang mag-pass ako diyan?" alanganin niyang wika kay Uriel.
Natuon ang atensiyon ng lahat sa kanya. Napangiwi siya. Huminga ng malalim si Zech.
"H-Hindi naman sa hindi ko gustung tumulong. P-Pero takot akong humarap sa crowd. Iniisip ko palang, bumabaliktad na ang sikmura ko-Urgh! Excuse me!"
Tuluyan na ngang bumaliktad ang sikmura ni Zech. Mabilis siyang tumakbo papunta sa banyo at doon siya nagsuka. Napailing naman si Uriel at bahagyang natawa.
"Hindi nga pupuwede si Zech dito. Kayong apat na lang!" nakangiti pa niyang pakli.
Nagtaas ng kamay si Creta.
"Bakit?" tanong ni Drake dito.
"A-Ahm... Hindi naman sa hindi ko gusto. Qualified naman ako dahil guwapo ako, may talent... Pero lagot na kapag nasa question and answer na. Sa mga ganoon, madali akong kabahan ng sobra. At kapag kinabahan na ako, wala na. Brain-damage na. Puwedeng ako na lang ang bahala sa mga gamit at costumes?" presinta niya.
Napahawak sa kanyang baba si Uriel.
"Maganda iyang naisip mo. Kayong dalawa ni Zech ang magiging manager nilang tatlo."
Nag-react na si Hunter.
"P-Pero-!"
"Hep! Kayong tatlo ang sasali, tapos ang usapan!" final na wika ni Uriel.
Tumayo naman si Blade at prenteng tumingin kina Hunter at Drake.
"Guys, gawin natin ito para sa charity. At pasensiya na lang kayo sa araw ng contest kasi ituturing ko kayo bilang mga kalaban. Aba, labanan ito ng paguwapuhan. Hindi ako makapapayag na basta magpatalo na lang sa inyo kahit mga kaibigan ko pa kayo." hamon ni Blade sa dalawa.
Napataas ng kilay si Drake at ikinuyom ang kanyang kanang-kamao.
"Pasensiya ka na, Blade... Ngayon ko papatunayan na mas guwapo ako sa'yo. Aba, hindi ako papayag na tawagin mo na lang akong bangkay. Palagi mo na lang akong inaapi at chance ko na ito para bumawi!" tanggap ni Drake sa hamon ni Blade.
Nasapo naman ni Hunter ang noo. Nagkakasubukan na ang dalawa at wala siyang balak pumatol sa patutsadahan ng mga ito. Kaya lang ay nadamay pa siya sa pagsali sa contest. Kung ang dalawang ito na lang sana at bahala na siya sa moral support. Ang kaso, si Uriel na ang nag-utos.
"Okay! Ayos na ang usapan! Tara na at open pa ang screening!" yaya ni Uriel.
Pinuntahan naman ni Creta si Zech para tawagin. Tuluyan na itong kumalma ng ibalita niya dito na sina Blade, Hunter at Drake ang sasali sa Mr. Pogi at silang dalawa ang bahala para i-manage sila.
BINABASA MO ANG
Sir Blade BOOK 2
FantastikThe Return, The Comeback, ang pagbabalik ng story ng anghel na si Blade na makapal ang mukha, malupit, patay-gutom, at di mapigilan ang bunganga na magmura.... Kasama siyempre ang tropa niyang sina Hunter at Drake... At si Rane with the BLB High Sch...