Mga Salita

7.6K 126 8
                                    

 

 

         "MGA SALITA"

 

 

1. Ande lay atet- expression sa Pangasinan kapag hindi kami convince sa mga salita ng kausap namin. ( pambara sa mga pambobola )

2. Kuwatet- pakialamiro/pakialamira

3. Lase- kapag kasama ito sa sentence, ibig sabihin parang minura mo ang kausap mo o nagmura ka. Wala naman itong kahulugan... Hindi ko alam... Kapag itinatong ko naman sa mga matatanda kung ano ang ibig sabihin nito, hindi naman nila i-explain.. Sasabihin lang nila na "Lase kang bata ka! Bakit mo itinitanong iyan?!"

4. Anak na lase- Anak ka ng teteng, son of a bitch  ( huwag niyo na lang aralin ang isang ito dahil malutong na mura talaga siya. Ini-explain ko lang ito, ah. )

5. Mulagat- tawag namin sa mga taong hindi kumikilos at nakatanga lang sa hangin. Tawag namin sa taong walang ginagawa o aksyon. Tawag din sa mga taong nanlalaki ang mga mata o may malalaking mata na halos lumuwa na.... ( pero mas bagay ang bangaw, Puwera-lait! )

6. Keret- patay ( matigas ang pagbanggit sa salitang ito. May diin ang 'e' at yung letter K dapat matigas na QE ang pagbigkas. At yung RET-dapat may bahagyang diin ang R. Harsh word for the term patay. )

7. Man-atugerger- ngisay sa kilig/ OA na kilig. ( iyong 'ger' dapat may diin na naman ang letter E at G. Matigas dapat ang pagbanggit. )

8. Ay na apo- Ay sus ginoo. ( Ilocano expression ito )

9. Makalasyan- malupit ( malalim na salitang Pangasinan ang isang ito. Ang isa pa naming term dito ay MARUKSA. )

10. Wala- ang ibig sabihin ng salitang ito sa amin ay 'mayroon'. Maraming nalilito sa salita naming ito, kasama na ako.. Kaya kapag ang sinasagot ng kausap ko ay 'wala'... Nililinaw kong maigi kung 'wala na mayroon o as in wala sa salitang tagalog.

11. Anggapo- wala

12. Bolatis- nambobola, mambobola.

13. Ambagel- sira-ulo ( yong 'gel' dapat may diin na naman iyong GE... Matigas ulit ang tamang pagbigkas. )

14. Kegtot my heart- ( common sense, di ko na kailangang i-explain. Alam kong gets niyo na ito. Kegtot-nagulat, nabigla, napatalon. )

15. Ngatel- satsat.

16. Matalangatang- maingay na magulo, di tumititigil sa paulit-ulit na kadadaldal.

17. Matarake- magandang lalaki, guwapo, lalaking may malakas na dating. Hot guy.

18. Abuwisit ak pa- nabuwisit lang ako. ( expression namin kapag bigla kaming naba-badtrip )

19.  Nalase- shortcut ng anak na lase ( huwag niyo na ring aralin ang isang ito. At hindi ko kayo tinuturuan, nagpapaliwanag lang ako. )

20. Malastog- mayabang.

21. Seka- ikaw

22. Awey-ewan ( may diin iyong 'WE', matigas din dapat ang pagbigkas. )

23. Ponsiyano- tawag namin sa mga taong mahilig pumunta sa kainan at handaan ng hindi imbitado. ( from the rootword 'Ponsiya'- na ang ibig sabihin ay KAINAN o HANDAAN. )

24. Pugot- isang uri ng maligno na nakatira sa puno na mahilig sa mga babae. Mabaho ang maligno na ito ( kaya ito rin ang ibinabansag namin sa mga taong may KILI-KILI powers. )

25. Maanag- mabantot. Iyong amoy ng dinidiposito sa kubeta.

26. Man-urangal- umatungal.

27. Manget- OA na iyak, nakakabuwisit na klase ng iyak. ( bansag din namin sa mga taong wala nang ginawa kundi umiyak at magpaawa pero nakakabuwisit lang. Iyong tipong gusto mong patayin. )

28. Ulangab- tawag sa taong maingay umiyak. ( iyong tipong nakakaasar at nakakabuwisit din. Iyong style ng pag iyak eh ,may kasamang ungol. Ungol ng aso na parang umaalulong. )

29. Mumukatan- harsh term namin sa 'pagmumukha'. ( from the rootword 'mukat'- meaning.... MUTA. )

30. Kuwarog- mabantot na tawag sa kahit na sino, lalo na kung di mo feel na tao.... ( term talaga nito ay utusan.) Ilocano word ito.

31. Bugkalot- mabantot na bansag namin sa mga nakakalimutang isulat ang pangalan sa papel ng test paper. ( tawag sa mga walang pangalan )

32. Araratan- expression kapag natuwa kami sa mga bagay o pangyayari. ( parang ang meaning nito ay 'ganyan  ah!' )

33. Ag-Ag- batang MANGET.

34. Okitnam- 'kuwan ng nanay mo', putang-ina mo. ( huwag niyo na ring aralin ang isang ito. Ang pamalit naming word dito kapag di na talaga namin kayang pigilan ang bunganga ay VIETNAM-magkatunog kasi... Muli, may diin ang NAM. Ini-explain ko lang ito, huwag niyong aralin )

35. Dogyot- kadiri, marumi.

36. Baleg- malaki.

37. Garampengat- malandi.

38. Ageh- aray.

39. kerew-emot- taong mahilig humingi ng kung anu-ano pero ubod ng damot. ( KE-QE-matigas ang pagbanggit, REW-may diin ang EW. )

40. Inam-Inam- takaw-tingin sa pagkaing kinakain ng iba... ( Iyong tipong kakagat ka pa lang sa pagkain eh nauuna na siyang lumulunok kahit walang laman ang bibig sabay titig ng malagkit sa pagkain mo with matching tulo laway.... )

41. Makapa-aryek- nakakarimarim.

( ayan, ginawa ko ito para mas maintindihan niyo ang sinasabi ng mga characters. Kung may mga salita akong nakalimutan,sabihin niyo lang sa akin. )

                              *brose_fire*

      

Sir Blade BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon