"A Savage Angel"
"Matagal kang nawala, Creta. Sabihin mo, anong nangyari sa'yo?" casual na tanong ni Tumand sa kanya.
Balewala siyang tumingin sa mukha nito at nagkibit-balikat.
"Wala namang nangyari sa akin. Nainip lang ako kaya naisipan kong maglagalag na muna. Hinanap mo ba ako para lang kamustahin ako? Ang sweet mo naman kung ganoon."
Nasa isang tagong bar sila at umiinom. Nasa sulok silang dalawa at iilan lang ang taong naroon dahil mag-uumaga na.
"Nakakadiri naman iyang sinasabi mo. Huh, sweet.... Yuck with a sticky shit!" napailing na wika ni Tumand.
Natawa ng mahina si Creta.
"Kung hindi iyan ang rason, ano ba ang atin?"
Ngumiti ng makahulugan si Tumand bago magsalita.
"Balak bumisita sandali ni Mammon dito sa mundo ng mga tao... Medyo enteresado siya sa Blood Demon na bestfriend ng walang-hiyang animal na si Blade. Hindi rin naman siya magtatagal dahil malaki sa kanyang lakas ang ibinubuhos niya makapunta lang dito... Alam mo namang nakatali na ang buong kaluluwa ng Seven Prince of Hell sa impiyerno. Kaya limitado lang sila dito sa lupa."
Mammon-one of the Seven Prince of Hell. The sin of Greed.
"Naging entersado siya sa Blood Demon na isa ring traidor sa Hell? Huh, nakakamangha naman yata iyan."
"Siguro... Pero may kakaiba siya sigurong nakita sa Blood Demon na iyon kaya napukaw ang kanyang enteres. Isa pa, nanalaytay sa katawan ng nilalang na iyon ang kanyang dugo. Wala naman tayo sa posisyon para makialam sa kung ano ang balak niya. Basta ang gagawin lang natin, tulungan ang Seven Prince of Hell para makuha ang mundo na para sa atin... Dahil sa ngayon, tayong mga fallen angels na nandito sa lupa... Walang mundong kinabibilangan. Ang main goal lang naman natin ay magkaroon ng mundo na matatawag nating atin..." mahabang wika ni Tumand.
Pinili na lang manahimik ni Creta.
"Siya nga pala, bukas ang pagdating ni Mammon. At kagaya ng nakagawian, magkakaroon tayo ng pag-aalay sa kanya bilang pagsalubong. Kailangan niya ng kaluluwang makakain para makabawi sa lakas na mawawala sa kanya. Mahirap maging kampante, kailangan niyang maging malakas sa lahat ng oras na narito siya dahil siguradong nakabantay ang langit. Maaari siyang mapalaban kahit na anong oras."
"Sa dating lugar pa rin ba?" tanong niya.
"Oo naman. Napakalakas pa ng barrier ng gusaling iyon kaya hindi na natin kailangang lumipat pa."
"Okay..." sagot lang ni Creta.
Tumingin siya sa ibang direksyon at uminom ng alak. Nakatitig naman si Tumand sa kasama at pinag-aaralan nito ang kilos ni Creta. Hindi maikakaila ang kakaiba nitong kilos. Napangisi siya ng lihim sa kanyang napansin...
Kinabukasan, abala ang Black Circle Organization sa paghahanda sa pagdating ni Mammon. Maraming dark pentagram ang inilagay sa paligid para sa mas malakas na dark aura. Malaki ang maitutulong noon sa pagdaan ni Mammon sa isang portal papunta sa mundo ng mga tao. Gawa ang mga pentagram na iyon sa mga sariwang dugo ng tao.. Mga taong corrupted ang kaluluwa ng kasamaan. Evil soul of human was the best portal of demons... Nakahanda na ang lahat ng dumating si Creta. Napatingin siya sa paligid... Kumpleto na ang mga Fallen Angels na kasama niya. Vaulant, Ike, Tumand, Legion, Colossus, Hydrian, Ziggur, Hideus, at Bony. Napatingin siya sa tatlong bakanteng puwesto... Ang unang dalawa ay kina Astaroth at Brach... Mga kasamahan nila na nabigo sa pakikipaglaban kina Blade... At ang natitirang puwesto ay kay Zech... Ang dati nilang kasamahan na tuluyan nang tumiwalag at mas pinili ang tahimik na buhay.
BINABASA MO ANG
Sir Blade BOOK 2
FantasíaThe Return, The Comeback, ang pagbabalik ng story ng anghel na si Blade na makapal ang mukha, malupit, patay-gutom, at di mapigilan ang bunganga na magmura.... Kasama siyempre ang tropa niyang sina Hunter at Drake... At si Rane with the BLB High Sch...
