36. Mr. No Name

1.9K 92 9
                                    

         "Mr. No Name"

Hindi magkandaugaga sina Blade sa pagsipat ng mga dalang pasalubong ni Ai sa kanila. Kadarating lang nito mula sa airport. Si Hunter ang sumundo dito.

"Uy, Ai! Anong laman nitong stripe bag na 'to?" nakangiting tanong ni Azrael sa binatilyo.

Lumapit si Ai sa kanya at agad na binuksan ang stripe bag.

"Tiyak na magugustuhan niyo ang mga ito. Mga cup noodles!" sabay pakita sa lahat ng isang cup ng noodles na seafood flavor.

Biglang nagdilim ang mukha ni Azrael at nangilid sa mga mata nito ang luha. Nagwalk-out na ito at pumanhik sa itaas.

"I hate you!" pahabol pang wika ni Azrael.

Natigilan si Ai at maang na napatingin sa mga kasama niya.

"Anong nangyari doon? May problema ba?"

Napakamot sa kanyang batok si Drake.

"Ahm... Nakalimutan naming sabihin sa'yo na bawal ang cupnoodles dito sa bahay. May masakit na alaala kasi si Azrael doon. Hurt ang puso niya. Anyway, huwag kang mag-alala, alam naman niyang hindi mo sinasadya ang ginawa mong pagdadala ng sandamakmak na cupnoodles bilang pasalubong. Hindi iyon galit sa'yo. Nadala lang siya ng emosyon niya kanina."

"Ah..." react na lang ni Ai.

Kinabukasan, nagtatakang kinuha nina Rane, Zech, Creta, at Daisy ang mga supot na may lamang cupnoodles na ibinibigay nila Blade, Hunter, at Drake.

"Para saan ito? Relief goods?" hindi nakatiis na wika ni Daisy.

Nagkita-kita silang lahat dahil may praktis sila ng caroling para sa nalalapit christmas party. Ang kikitain nila doon ang ipambibili nila ng handa para iyong ibang estudiyante ni Blade na walang-kaya sa buhay, ang pangregalo nalang ang gagastusan.

"Hindi, pasalubong mula kay Ai. Nakalimutan naming e-inform sa kanya na bawal na muna ang mga cupnoodles sa bahay habang hindi pa gaanong nakakamove-on si Azrael. Kaya ayan, ipinapamigay na lang namin sa inyo. Iyong iba, itinago namin sa kanya-kanya naming kuwarto." paliwanag ni Hunter.

"Ah, ganoon ba?" wika ni Daisy.

"Yups. Anyway, ituloy na natin ang praktis. Ano na nga ulit iyong kinakanta natin?" si Hunter.

"Christmas in our hearts by Jose Marie Chan. Ulitin na lang natin from the top. Basta, tayong mga boys ang intro at sa chorus naman ang girls. Okay, game na?" si Zech.

"Okay, Game!" masiglang sagot ni Blade.

Siya ang nakaisip ng ideya na ito. Magsisimula na ulit sila sa pagprapraktis ng biglang dumating si Alexa-pinsan ni Daisy. Nasa bahay sila ng huli dahil doon ang napag-usapan nilang lugar kung saan sila magprapraktis.

"Guys, puwede bang makaisturbo lang sandali?" nahihiyang wika ni Alexa.

Napatigil ang lahat sa akmang pagkanta at matamang napatingin sa kanya.

"Ate, may problema ba?" tanong ni Daisy.

Napakagat sa kanyang labi si Alexa at alanganing napatingin sa mukha ng lahat. Hindi niya alam kung magsasalita siya o hindi. Pero sa bandang huli ay nakapag-decide din siya. Heto na ito, nandito na siya. Lumapit siya kay Daisy at naupo sa tabi nito.

"M-May ginawa akong kalokohan nitong nakaraang araw... Sa palagay niyo, makukulong kaya ako?" umpisa niya.

"Makukulong?!" react ni Daisy.

Sir Blade BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon