1. "Pagre-RESIGN ni Blade"

4.5K 148 21
                                        

 

 

    "Pagre-RESIGN ni Blade"

 

 

 

Kanina pa nakapangalumbaba si Blade at malalim na nag-iisip...

"Hum.... Hum...." ungol niya.

Yamot na napatingin si Drake sa kanya.

"Hoy, Blade! Itigil mo nga iyang pagmumuryot mo diyan! Nakakaasar na iyang kakaungol mo... Para kang atewel na aso! Abuwisit ak pa!" naiinis na puna nito.

( Muryot-mukmok, Atewel-ulol )

"Puwede ba, tumahimik ka diyan. Nag-iisip ako ng bago kong career!" yamot na sagot ni Blade.

Umismid pa siya kay Drake.

"Uy, ano bang naisipan mo at bigla mong binalak na mag-resign? Ano bang nakain mo?" puna ni Hunter.

"Kaya nga. Hindi mo naman kailangang mag-resign no. Para kang unggoy na biglang napaisip."

"Ngatel kayo ng ngatel!" kontra niya sa dalawa.

Pagkatapos noon ay kinuha niya ang mga testpaper sa mesa at nagcheck na lang siya.... Bigla siyang nagdesisyong mag-resign matapos ng mga nakita niya... Nang mga nangyari kay Jeremy.... Naisip niya kasi na baka dumating ang araw na mapahamak ang mga bata ng dahil sa kanya... Hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag nagkataon. Napatigil siya sa pag-iisip ng mabasa niya ang nakasulat sa testpaper na tsine-check niya... Ang nakasulat kasi ay....

"Dear Sir Blade,

            Parang-awa mo na, ipasa mo naman ako sa test kahit pasang-awa lang... Hindi po kasi ako naka-review dahil nagpart time ako para may ipambayad sa exam... Ipaglilinis na lang kita araw-araw ng classroom mo. Alam ko namang mabait ka.

            Sana maintindihan mo ako."

Natawa si Blade sa nabasa niya at napahagikgik pa siya. Napailing siya at medyo nangilid ang luha niya... Na-touch kasi siya sa sulat.

"Oh ano ba iyan?" tanong ni Drake.

"Basahin mo." iniabot niya dito ang papel.

Curious ding lumapit si Hunter at nakibasa. Natawa din ang mga ito.

"Uy, Blade! Pagbigyan mo na ang isang ito. Total, aalis ka naman na di ba?" untag ni Drake.

Natigilan si Blade at tumawa.

"Animal! Sana, kaso bugkalot naman iyan ay! Walang pangalan! Abuwisit ak pa!"

Sinipat ng dalawa ang testpaper... Natawa din ang mga ito, wala ngang pangalan. Ipinagpatuloy niya ang ginagawa at may nakita na naman siyang testpaper na kakaiba... Mas tumawa siya ng malakas.

"Ano na namang tinatawanan mo diyan?" puna ni Hunter.

"Tingnan niyo naman ay! True or False, ginawang Tama o Mali! Ang masaklap, bugkalot na naman ang papel na ito! Anak na lase na ito, Oo!" natatawa niyang wika.

Napangiti sina Hunter at Drake.

"Alam mo, kung magre-resign ka.... Wala ka nang makikitang ganyan." pakli ni Drake.

Sir Blade BOOK 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon