6. "Seven Holes"

3.1K 117 7
                                    

 

 

             "Seven Holes"

"Hay sa wakas! Nakauwi na rin!" wika ni Drake.

Pasalampak siyang naupo sofa at sumunod na rin ang mga kasama niya. Kagagaling lang nila sa bahay nila Rane.

"Grabe, ang galing mo talagang tumugtog ng violin. Parang kumakanta mismo iyang instrumentong hawak mo. Nalase... Hindi ako magsasawang pakinggan kang tumugtog!" masiglang wika ni Blade kay Drake.

"Ako rin. Hindi rin ako magsasawa." segunda ni Hunter.

Napaismid si Drake at napangalumbaba na tumingin sa dalawa.

"Tumigil nga kayong dalawa diyan ay! Kayo ang nakarami ng request sa akin kanina ah?!" yamot niyang wika.

Tumawa ng mahina ang dalawa sa sinabi niya. Napabuntung-hininga na lang tuloy siya sa reaksyon ng mga ito.

"Teka lang, wala pa si Ai?" biglang wika ni Blade.

"Oo nga ano..? Mukhang nawili siya kina Lolo Gusting ah? Susunduin ba natin siya?" tanong ni Hunter.

Tiningnan niya sina Blade at Drake.

"Oo, susunduin natin siya. Pero mamaya muna ng kaunti, puwede? Magpahinga muna tayo." sagot ni Drake.

Umunan siya sa kanyang mga braso at sumandal sa likod ng sofa. Nawili ang lahat kanina sa pagtugtog niya ng violin at maraming kanta ang ini-request sa kanya... Hindi naman siya makatanggi kaya sige lang... Pero at least, dahil sa ginawang pakikipag-usap niya kay Rane kanina, gumaan ang pakiramdam niya... Aminin man niya o hindi, nakatulong ng malaki ang ginawa nitong pananampal sa kanya.

"Ay na apo! Nalase naman kasi si Ai... Sinabi ko na sa kanyang huwag magpagabi eh... Anak na lase!" palatak ni Blade.

"Hayaan mo na si Ai at ini-enjoy niya ang oras niya dito sa atin. Susunduin naman natin siya mamaya eh. Tama na ang ngatel, Blade." wika ni Hunter.

"Nag-aalala lang naman ako eh..." wika pa ni Blade.

Napangiti sina Drake at Hunter sa tinuran nito. Nabulabog sila ng biglang bumukas ng marahas ang pinto. Halos sabay-sabay pa silang napatayo ng wala sa oras. Iyon pala ay...

"Konbanwa! I'm home!" masiglang bati ni Ai sa lahat.

Natigilan siya ng makita niyang nakatayo ang tatlong lalaki na parang nakaabang sa isang kalaban.

"N-Nanka?" tanong niya.

( nanka- bakit )

"Pambihira ka naman Ai! Huwag ka namang pumapasok dito sa bahay ng ganu'n! Akala namin, a-ambushin na kami!" wika ni Hunter.

"Kaya nga! Anak na lase ka naman. Nagulat kaming lahat du'n!" segunda ni Blade.

"A-Ahm... Sowrry! Anyway, ginabi ako kasi nagyaya sina Lolo Gusting at Kuya Baste na magsimba sa Manaoag. Heto oh, may pasalubong ako sa inyo. Topeg!"

Ipinakita ni Ai sa tatlo ang dala niyang supot na may lamang Topeg.

( Topeg- isang masarap na kakanin na sikat sa bayan ng Manaoag. Gawa ito sa giniling na malagkit na bigas, gata ng niyog, asukal at kinayod na buko. Binabalot ito sa dahon ng saging at iniluluto sa hugis rectangle na lutuan na may maraming uling sa ilalim. Mistula itong iniihaw. Masarap ang Topeg lalo na kapag mainit-init pa. )

Sir Blade BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon