33. New Creation

2K 106 6
                                    

               "New Creation"

"Pauwi ka na ba?" tanong ni Hunter kay Blade.

"Oo. Pero wait lang, itse-check ko lang iyong mga nakatokang cleaners na estudiyante ko. Hindi pa sila nagsasarado ng room eh. Titingnan ko kung may ginagawang kalokohan ang mga anak nalalase na iyon."

Napaismid si Hunter.

"Oh, bakit?"

"Iyang bunganga mo nga! Akala ko ba nagtanda ka na doon sa parusa ni Camael sa'yo?"

"Abuwisit ak pa! Nagtanda naman akong lase ay. Tsaka, huwag mo na ngang ipaalala. Kinikilabutan ako."

Tumalikod na si Blade kay Hunter at agad na pumanhik sa hagdan ng school. Nasapo naman ni Hunter ang noo at hinawi ang ilan niyang bangs.

"Matandang walang pinagkatandaan ang Blade na iyon. Tiyak na hindi lang ang pagkangongo ang matitikman niya, marami pa."

Bigla siyang natawa ng maalala niya ang naging kalagayan ni Blade ng maparusahan ito ni Camael. Samantala, napahinto sa akmang pagpasok sa loob ng classroom si Blade ng marinig niya ang usapan ng mga estudiyante niya sa loob. Nag-circle ang mga ito. Sina Louie, Francis, Jaypee at John Paul.

"Sigurado ka ba dito sa gagawin natin?" tanong ni Francis kay Louie.

"Oo naman. Mag-e-spirit of the coin tayo. Ayon sa matatanda, ngayong undas gumagala ang kaluluwa ng mga patay. Maraming kuwento ng kababalaghan dito sa school. Marami daw kasing namatay na tao dito noong panahon ng giyera. Titingnan natin kung may multo dito sa classroom."

"Eh di ba, sinapian na nga dito si Wilbur?" napalunok na tanong ni Jaypee.

"Kaya nga titingnan natin. Tsaka iyong kaluluwa, dito naman sa coin ipapasok hindi sa mga katawan natin. Ano, game?" hamon pa ni Louie.

"Baka magalit si Sir Blade sa atin." kontra ulit ni Farncis.

"Umuwi na iyon."

Sa bandang huli ay pumayag na rin ang mga kaibigan ni Louie. Gumuhit na ito sa sahig ng improvise na Ouija at naglabas ng limang-piso na barya. Napataas naman ng kilay si Blade.

"Spirit of the coin pala ah? Anak na lase! Tuturuan ko kayo ng leksyon. Makikita niyo ang hinahanap niyo." nakangisi niyang wika.

Hindi na tumuloy si Blade sa pagpasok sa loob ng silid. Bagkus ay umikot siya at umakyat sa may bintana. Nang naroon na siya ay maingat niya iyong binuksan at sumilip sa loob.

"Espiritu, espiritu, nandito ka na ba?" si Louie.

Tahimik ang mga kasama nito at matamang nakatutok ang paningin sa coin na hawak ng lahat.

"Espiritu, espiritu... Kung nandito ka na, magparamdam ka. Gusto ka naming makausap." wika ulit ni Louie.

"Magparamdam pala ah?!" nakangising wika ni Blade.

Naghanap siya ng bagay sa loob ng classroom at nahagip ng mga mata niya ang mesa niya sa harap ng blackboard. Pasimple niyang iniumang ang kanyang kanang-kamay doon at gumamit siya ng kaunting kapangyarihan. Inusod niya ang misa ng ilang pulgada at nakarinig ang mga bata ng langitngit. Napatingin ang mga ito sa mesa.

"Uy! Tama na! Gumalaw ata iyong mesa oh!" napalunok na wika ni Jaypee.

"Hangin lang iyon. Pero kung totoo ngang gumagalaw iyong mesa, ulitin pa natin." matapang na wika ni Louie.

Halatang hindi pa ito kumbinsido.

"Matigas ang ulo mong lase ah?" bulong ni Blade.

Muling itinuon ng lahat ang atensyon sa kanilang ginagawa.

Sir Blade BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon