40. Oh Baby oh!

2K 107 23
                                    

           "Oh Baby oh!"   

Panay ang buntong-hininga ni Blade habang malalim na nag-iisip. Katatapos lang ng christmas eve at kasama sa mga naging bisita nila si Hydrian na ngayon ay kilala bilang si Sebastian. Hindi siya makapaniwala sa kanyang nasaksihan. Tumingala siya sa langit.

"Ama, iyon ba ang paraan Mo para bigyan siya ng pagkakataon? Ano bang plano Mo sa kanya..? Kahit na galit ako sa kay Hydrian dahil sa mga maling nagawa niya sa akin dati... Aaminin ko, nag-aalala pa rin ako sa nangyari sa kanya. Kapatid ko pa rin naman kasi si Hydrian kahit na anong mangyari. Kagaya ko ay isa pa rin siyang anghel at magiting na sundalo. Nakikita kong masaya siya, sana lang... Hindi na magkaroon ng katapusan ang kasiyahan niya..."

Muli siyang huminga ng malalim. May tumapik sa kanyang balikat at nakita niya ang nakangiting mukha ni Zech.

"Anong ginagawa mo?" tanong pa nito sa kanya.

Kasama nito si Creta na nag-sleep over dito.

"Kinakausap ko ang ating Ama. Ang dami kong tinatanong tungkol kay Hydrian."

"Huwag mo na iyong masyadong isipin. Sigurado akong may magandang plano ang ating Ama para kay Hydrian. Pinapatawad mo na ba siya?"

Matagal munang tumingin si Blade sa mukha ni Zech bago siya nagsalita.

"Nalase, kung hihingi siya ng tawad." napataas na kilay niyang wika.

Napangiti si Zech sa sinabi niya.

"Paano iyan? Wala ngang maalala ang tarantado eh."

Natawa ng mahina si Blade.

"Anak na lase, kahit na sinabi ko na baka iuntog ko pa ang animal para lang makaalala o kaya uupakan ko siya... Wala eh, hanggang salita din lang naman pala ako. Inaalala ko kasi si Alexa."

"Tama. Masaya ang dalawang iyon sa isa't-isa. Suporta na lang tayo. Pero hindi tayo dapat maging kampante. Kailangan nating bantayan si Hydrian dahil hindi natin alam ang mga bagay na puwedeng mangyari. Paano kung biglang magbalik ang alaala niya, di ba?"

Tumango si Blade kay Zech.

"Alam mo, tama na itong usapang ito. Tara na sa kusina at magkape. Nagtoast na ako ng mga pandesal kanina, tinamad lang akong kumain kasi wala akong kasama."

"Good idea."

Nagpunta na nga sila ni Zech sa kusina at nagtimpla ng kanya-kanyang kape. Kasalukuyan silang kumakain ng almusal nang bumaba si Hunter. Nagtimpla ito ng sariling kape at naki-join sa kanila.

"Si Drake?" tanong ni Blade.

"Ayon eh di tulog na tulog. Ganoon din si Creta. Nakipagsabayan ba naman sa inuman kay Tandang Gusting kagabi eh hassler ang isang iyon. Tumba sila. At huwag mo nang itanong si Ai kasi sinilip ko siya sa kuwarto niya kanina, ang sarap pa ng tulog. Nahulog na siya sa kama niya at lahat na, ayon... Tulog pa rin ang loko. At si Azrael, maagang umalis nang matapos ang ating party-party kagabi. Papasyalan daw niya ang bahay niya at mag-ge-general cleaning daw siya doon."

Napangiti na lang si Blade sa kanyang narinig.

"But anyway... Puwede mo ba akong samahang mamalengke? Naubos na kasi ang laman ng kusina natin eh." wika pa ni Hunter sa kanya.

"Oh, sure. Iyon lang naman pala eh."

"Tamang-tama, makikisabay na ako sa inyo." wika ni Zech.

Matapos nilang kumain ng almusal at inayos ang kanilang mga sarili ay saka na sila lumakad. Dumiretso ng uwi sa kanyang bahay si Zech. At ang dalawa naman ay sa palengke. Nang matapos ang pamimili ng dalawa ay agad silang lumabas. Kasalukuyang nasa tabi ng kalsada sina Blade at Hunter bitbit ang kanilang mga pinamili. Green pa ang ilaw at hinihintay nilang mag-red iyon para makatawid na sila sa kabilang kalsada. Busy sa pagsa-soundtrip si Hunter at si Blade... Tumitingin-tingin siya sa paligid. Naghahanap siya ng mapagbibilhan ng donut. Gutom pa kasi siya at kulang sa kanya ang mga kinain niyang mga pandesal kanina. Biglang may nagsigawan at napatingin siya sa kabilang kalsada.

Sir Blade BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon