11. "Kidnap"

2.4K 110 15
                                    

              

             "Kidnap"

 

 

Mariing ininuyom ni Creta ang kanyang mga kamao habang nakatingin kina Ike at Colossus. Nasa sementeryo siya at dadalawin sana niya ang puntod ng kanyang asawa at anak... Araw ng kanilang pagkamatay ngayon. Hindi siya makalapit... Marahas siyang huminga, hindi pa niya kayang harapin ang mga ito dahil mahina pa siya. Malaki ang pinsalang tinamo niya noong nakaraan. Natigilan siya ng makita niyang parating si Zech. May dala itong boquet ng bulaklak na Casablanca-iyon ang paboritong bulaklak ng kanyang asawang si Rome. May dala din itong mga kandila. Kagaya niya, nagulat din sina Ike at Colossus ng dumating ito.

"Anong ginagawa mo dito?" bungad ni Ike.

"Dumadalaw." simpleng sagot ni Zech.

Nagdududang tumingin sa kanyang mukha sina Ike at Colossus. Ngumiti siya ng matipid.

"Taon-taon ko itong ginagawa tuwing araw ng kamatayan nila. Dinadalaw ko ang kaibigan ko at inaanak. Wala naman sigurong masama, di ba?" untag ni Zech.

Nawala ang pagdududa ng dalawa at tumabi. Lumapit na siya sa mga puntod at inilapag ang dala niyang bulaklak. Nagtirik na rin siya ng mga dala niyang kandila.

"Kayong dalawa, bakit kayo nandito?" casual na tanong ni Zech.

"Obvious, inaabangan namin dito ang traidor na si Creta. Mukhang magaling siyang magtago." sarkastikong wika ni Ike.

"Hindi pa ba kayo nagkikita?" tanong ni Colossus.

Simpleng umiling si Zech.

"Wala akong balak na makita siya. At kung ano man ang problema niya, wala akong pakialam. Magsolo siya."

"Mabuti naman kung ganyan ang pananaw mo, Zech. Mahirap kaming kalaban, alam mo iyan." nakangising wika ni Ike.

Hindi na umimik si Zech bagkus ay tumitig na lamang siya sa mga puntod na naroon. Napailing naman si Creta at napayuko. Ngumiti siya ng matipid.

"Ambagel kang lase ka, Zech..." turan na lang niya.

Natutuwa siya sa ginawa nitong pagdalaw sa puntod ng kanyang mag-ina. Matapos noon ay umalis na siya sa lugar na iyon bago pa man siya mapansin. Hihiling na lang siya ng misa para sa kanyang mag-ina. Kakausapin na lang niya si Father Piyo.

Samantala... Mariing niyakap nina Hunter at Serene ang isa't-isa... Maghihiwalay na naman kasi ang mga ito, babalik na si Serene sa States at uuwi naman na si Hunter kasama nina Blade.

Napangiti si Rane sa nakikitang eksena. Pero hindi rin niya maiwasang malungkot. Sandali lang nagkasama ang mga ito... Napaka-unfair. Lumapit si Sienna kay Hunter at hinila nito ang pantalon ng binata. Natigilan si Hunter at napaharap sa cute na si Sienna.

"Bakit?" nakangiti nitong tanong.

"Itaw! Yatap ta ng yatap kay Telen, tapot tahapon... Kinit mo pa siya. Batet atawa mo siya ah? Atawa mo?" nang-uusig na wika ni Sienna.

(Ikaw! Yakap ka ng yakap kay Serene, tapos kahapon.. Kiniss mo pa siya. Bakit asawa mo siya ah? Asawa mo?)

"Ha ha ha ha! Hala ka diyan, lagot ka!" natatawang kantyaw ni Drake.

Natawa na rin ang iba at pasimpleng nagkatinginan sina Hunter at Serene sa isa't-isa. Napabuka ang labi ni Hunter pero hindi makapagsalita kasi hindi alam kung ano ang dapat na sabihin sa bata. Nang-uusig ang mga tingin nito at nakasimangot.

Sir Blade BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon