49. The Commander is in!

1.6K 92 13
                                        


                                                         "The Commander is in!"


"Ngayong nandito na ulit tayo sa loob ng chamber... Ano ang kailangan kong gawin?" tanong ni Sebastian(Hydrian).

Isang makahulugang ngiti ang namutawi sa labi ni Beelzebub. Ikinumpas niya ang kanan niyang kamay at sa isang iglap lang ay lumitaw ang isang kama na pang-isahan.

"Humiga ka diyan at pumikit ng mariin."

Napatingin si Sebastian(Hydrian) sa kama. Mariin niyang naikuyom ang kanyang mga kamao at saka walang imik na humiga doon. Tumitig siya sa madilim na kisame at mariing ipinikit ang mga mata. At habang nakapikit siya, iisang tao lang ang nakikita ng puso at isipan niya. Lihim siyang napangiti. Sana lang, sa pagbabalik ng kanyang alaala, hindi niya ito makalimutan.

Isa namang ngiti ng tagumpay ang namutawi sa labi ni Beelzebub.

"Sige lang, bibigyan kita ng ilan pang sandali para isipin ang babaing iyon. Namnamin mo na ang mga alaalang iyan dahil mawawala na ang lahat."

Ilang minuto ang kanyang pinalipas bago niya idinampi ang dalawa niyang daliri sa noo ni Hydrian(Sebastian). Nang maidapo niya ang kanyang mga kamay ay agad niya itong binalutan ng kapangyarihan para hindi ito makagalaw. Isang nakakasilaw na kulay-berdeng liwanag ang lumitaw sa mga daliri ni Beelzebub. Nahirapan naman sa paghinga si Hydrian(Sebastian) dahil hindi niya magawang ikilos ang kanyang katawan. Medyo umiling-iling ang ulo niya dahil unti-unting naglalaho sa kanyang paningin ang mukha ni Alexa... Gusto niyang pigilan ang nangyayari pero wala siyang magawa hanggang sa tuluyan nang mag-pitch black ang lahat. Umagos ang luha sa gilid ng kanang-pisngi ni Hydrian(Sebastian) bago ito tuluyang balutin ng kapangyarihan ni Beelzebub.

"Uhum... Umpisa na ng masayang laro..." napangising wika pa ni Beelzebub.

Samantala... Seryosong napatingin si Ike sa mukha ni Uriel nang maupo ito sa kanyang tapat. Uminom siya ng mainit na tsokolate.

"Good news or bad news?" walang-gatol na tanong ni Uriel.

Napataas ng kanang-kilay si Ike at saka siya bumuntung-hininga ng malalim. Nilaro ng kanan niyang mga daliri ang mesa at gumawa iyon ng mahinang ingay.

"Bad news, Uriel." maikli niyang sagot.

"Oh... Then, continue."

Sumandal sa kinauupuan si Ike.

"Nakuha na ni Beelzebub si Hydrian at sinisimulan na niyang ibalik ang mga nawalang alaala nito. Binihag niya ito at dinala sa isa sa secret chamber niya. Hindi niya sinabi kung nasaan iyon dahil nga... Secret. Huwag ka nang mag-alala dahil sisimulan ko na ang paghahanap kay Hydrian. Iisa-isahin ko ang mga lugar kung saan may lungga si Beelzebub dito sa mundong ibabaw."

Nag-sign ng tama na si Uriel at hindi na niya naituloy ang sunod pa niyang sasabihin. Napakunot ang kanyang noo at nagtatakang napatingin sa kanyang kaharap. Ganoon pa man, inantay niya ang sasabihin nito.

"Huwag ka na munang kumilos. Lubhang mapanganib. Hayaan mo na munang matuloy ang plano ni Beelzebub. Lubhang kahina-hinala na kung papalpak siya sa ikalawang pagkakataon. Makakahalata na siya ng sabotahe. Manganganib ang cover mo."

"Sigurado ka ba diyan?" amaze na tanong ni Ike.

Isang matipid na ngiti ang namutawi sa labi ni Uriel.

"Oo naman, yes! Alalahanin mo na lang na hindi naman natuloy sa pagiging demon si Hydrian. May natitira pa ring pure devine soul sa kanyang katauhan. He was still an angel himself. Basta huwag ka na munang kumilos hangga't wala kaming sinasabi sa'yo."

Sir Blade BOOK 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon