18. "Drake's Funeral"

2.5K 132 22
                                        

 

 

 

 

            "Drake's Funeral"

 

 

Napangalumbaba si Rane ng tumingin siya sa labas. Ang lakas ng ulan. Sayang, balak pa naman niyang dalawin si Creta sa simbahan. Tiyak na nandoon ang buong tropa at siguradong riot na naman. Napabuntung-hininga siya at pagkatapos ay saka nag-inat.

"Di bale. Blessings na rin siguro itong ulan. At least, hindi na ako magdidilig." pakli niya.

Nagring ang cellphone niya na nakalapag sa mesa na malapit sa kama. Naglakad siya palapit doon at nakita niyang number ni Hunter ang naka-register. Ito ang tumatawag. Agad niyang kinuha ang kanyang cellphone at sinagot ang tawag.

"Hello, Kuya Hunter!" masigla niyang bati.

Nanlaki ang mga mata niya matapos niyang marinig ang ibinalita nito. Nahulog niya ang cellphone sa sahig na may carpet at pagkatapos noon ay dali-dali na siyang lumabas. Hindi na niya ininda ang malakas na buhos ng ulan. Basta ang alam niya, kailangan niyang makapunta sa bahay ni Drake. Sana hindi totoo ang balitang narinig niya. Sana lang, biro lang ang lahat kahit na nakakaasar. Hindi siya magagalit!

Samantala... Marahang iminulat ni Blade ang kanyang mga mata. Napasinghap siya at nabuhay ang buong diwa niya ng maalala niya ang huling pangyayari. Si Drake! Mabilis siyang bumangon sa kanyang kama at kahit nananakit ang kanyang katawan ay agad siyang nagpunta sa silid nito sa attic. Marahas niyang binuksan ang pinto ng silid ni Drake ngunit nagulat siya ng hindi niya makita ang kabaong nito doon.

"Anak na lase!" bulalas niya.

Matinding kaba at takot ang sumalakay sa buo niyang pagkatao. Agad siyang pumanaog pababa hanggang sa makarating siya sa sala... At doon nadatnan niya na...

"Drake! Drake!..." umiiyak na wika ni Rane.

Basang-basa ito dahil sa ulan. Napatingin siya sa kabaong na naroon. Nakaayos ang lahat at nakita niya ang iba pa niyang mga kaibigan na pasimpleng umiiyak. Napatanga siya sa kanyang nakita. Hindi maipaliwanag na sakit at guilt ang kanyang nararamdaman.

"H-Hindi ito maaari..." hirap niyang wika.

Wala sa sariling pumanaog siya pababa ng hagdan. Natuon ang atensyon ng lahat sa kanya. Walang nagsalita ni isa sa mga kasama niya. Tuliro siya at nanginginig na lumapit sa kinaroroonan ng kabaong. Tiningnan niya ang naroon. Si Drake! Nakasuot ito ng puting tuxedo at nakaayos ang buhok. Mariin niyang ikinuyom ang kanyang mga kamao at tumingin sa kanyang mga kasama.

"Animal! Hindi magandang biro ito! Buksan niyo itong kabaong! Anak na lase!" wika niya kina Hunter, Zech at Creta.

"Blade..." napailing na wika ni Hunter.

Hindi niya gustung paniwalaan ang nais sabihin ni Hunter sa kanya. Si Drake ang Blood Demon kaya hindi ito basta maaaring mawala na lang... At si Drake din ang bestfriend niya! Nag-iisa lang ito.

"Huwag niyo akong ginagago na animal! Kasabwat kayo ni Drake dito ano?! Nalase naman, hindi magandang biro ito!..." hysterical niyang wika.

Humakbang palapit si Zech papunta kay Blade.

"Maraming dugo ang nawala sa kanya. Direkta siyang tinamaan sa puso. Masakit man sabihin pero hindi natin kagaya si Drake na immortal. Pasensiya ka na Blade kasi wala na ang Forbidden Fruit ng puntahan ko ito sa lugar na kinaroroonan niya Iyon ang prutas na ibinigay ko kay Rane noon na ipinainom niya sa'yo nang mawalan ka ng lakas at masadlak sa mahimbing na tulog. Wala akong magagawa kay Drake sa ngayon." mahinang paliwanag ni Zech.

Sir Blade BOOK 2Mga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon