"Sweet, Sad Hello"
"Ano? Kamusta ang naging paghaharap niyo ni Blade?" curious na tanong ni Vaulant kay Leviathan.
Napatigil sa paglalaro ng app game sa hawak niyang cellphone si Leviathan. Tumingin siya kay Vaulant at saka siya tumawa ng mahina. Napailing siya ng bahagya dahil sumakit ang tiyan niya sa sobrang pagpipigil na tumawa ng malakas. Huminga siya ng malalim para pakalmahin ang sarili.
"Ang kapal ng mukha ng walang-hiya! Isa siyang halimaw na patay-gutom! How dare him 3x a day..."
Amaze na napatingin ang lahat kay Leviathan dahil sa kakaibang ngiti na nakasilay sa labi nito. Halatang masaya. Ibinulsa nito ang hawak na cellphone at saka naglakad paalis.
"Saan ka pupunta?" tanong naman ni Ike.
Balewalang tumingin si Leviathan sa lahat.
"Babalik na ako sa hell. Wala na akong kailangang gawin pa dito dahil nag-enjoy na ako."
Matapos iyon ay binalutan nito ang sarili ng apoy at saka naglaho sa kawalan. Napailing naman si Beelzebub at napahalukipkip.
"Nasaltek yata ang lase?" pakli na lang niya.
Samantala... Abala sina Blade sa pagluluto ng latik sa bahay ni Lolo Gusting. Wala namang okasyon basta gusto lang makakain ng matanda ng naturang kakanin. Kasalukuyang nakahiga sa papag si Lolo Gusting habang nagpapaypay.
"Uy! Asan na iyong strainer? Pipigain ko na 'tong kinayod kong niyog! Nalase! Bilisan mo naman ang paghahanap diyan sa kusina!" maingay na wika ni Blade.
Kasalukuyang sinasandok nina Hunter at Baste sa kaldero ang naluto nang malagkit na kanin. Hinuhugasan naman ni Crescent ang malaking kawa kung saan iluluto ang latik. Mula naman sa kusina ay sumagot si Drake.
"Okitnam! Maghintay ka at hinahanap ko pa! Sandali lang!"
"Baon-inam! Kanina ka pa diyan! Ang duling mo kasi!"
"Maghintay ka lang! Lalo lang akong natataranta kapag inaapura ako eh!"
Napailing si Lolo Gusting at napakamot sa kanyang puwetan. Tapos isang kalokohan ang sumagi sa kanyang isipan.
"Uy, Drake! Kung hindi mo mahanap iyong strainer diyan sa kusina... Hubarin mo na lang iyang brief mo para may magamit si Blade!" sutil niyang wika.
Muntik nang matapon ni Hunter ang hawak niyang palanggana na may lamang malagkit na kanin. Humagalpak siya ng tawa, ganoon din ang iba.
"Animal! Magkagutuman na! Hindi ako kakain kapag brief ni Drake ang ginamit!" si Blade.
Nakarinig sila ng kung anong komosyon sa kusina.
"Okinnayo! Pinagkaisahan niyo na naman ako! Abuwisit ak pa!"
Mula sa kusina ay lumabas si Drake dala ang strainer. Lumapit siya kay Blade at marahas na inabot ang hawak.
"Ayan na ang strainer! Abuwisit ak pa! Di ko huhubarin ang brief ko no!" pikon niyang wika.
Sutil na tumingin si Blade sa kanya.
"Huwag kang mag-alala, kahit hubarin mo pa ang brief mo... Hindi ko rin naman gagamitin. Baka may kung ano pang nakasabit-sabit eh.."
Pak! Sinampal ni Drake ang bibig ni Blade.
"Bastos ka talagang walang-hiya ka!"
Tumawa lang si Blade.
"Peace be with you!" sutil pa niyang wika.
BINABASA MO ANG
Sir Blade BOOK 2
FantasíaThe Return, The Comeback, ang pagbabalik ng story ng anghel na si Blade na makapal ang mukha, malupit, patay-gutom, at di mapigilan ang bunganga na magmura.... Kasama siyempre ang tropa niyang sina Hunter at Drake... At si Rane with the BLB High Sch...