"Blade's Day-out"
Napahinga ng malalim si Drake habang nakatingin siya sa puntod ni Guisseppe Tartini. Hindi niya akalain na makakadalaw ulit siya sa puntod nito ng wala sa oras. Napatingin siya sa kasama niyang si Daisy na tulirong nakatingin sa larawang nakadikit sa puntod. Akala niya ay kung ano na ang sasabihin nito sa kanya kaya siya nito tinext.
"Alam kong nakakatawa itong sasabihin ko, pero nakita ko ang lalaking ito noong nakaraang linggo. Sinamahan ko kasi si Ate Alexa sa bidding sa museum, tapos na-boring ako at inantok kaya naman nagpaalam ako na lumabas sandali. Naglakad-lakad ako sa paligid ng museum hanggang sa makarating ako sa may lumang maze-garden na sira na. May narinig akong tumutugtog ng violin. Akala ko ikaw, kaya pinuntahan ko agad. Tapos, nakita ko siya na tumutugtog ng violin. Kinausap pa nga niya ako at tinanong kung maganda ang musika niya eh. At nawindang talaga ako ng todo ng makita ko itong libingan niya kahapon. Hindi ako maaaring magkamali, siya iyong nakausap ko... P-Patay na pala siya?!" mahabang kuwento pa ni Daisy.
Napatingin siya sa kasama niya at nakahinga siya ng maluwag ng hindi siya pagtawanan ni Drake sa ikinuwento niya. Bagkus ay seryoso itong nakatingin sa larawang nasa libingan.
"Sa tingin mo, multo kaya iyong nakita ko?" untag pa niya sa binata.
"Ah... Eh... Malamang nga, multo niya iyon." alanganing wika ni Drake.
Hindi niya alam kung ano ang dapat niyang sabihin.
"Salamat, ah? Akala ko pagtatawanan mo ako eh. Naikuwento ko na nga ito sa kay ate Alexa pero ang sabi niya baka daw epekto lang ng puyat at pagod ko ng araw na iyon. Tapos, tinawanan pa niya ako. Pero sigurado naman akong hindi day-dreaming iyong nangyari. Malinaw kong narinig ang boses niya, ang musikang tinugtugtog niya at ang kanyang anyo... Kitang-kita ko. Iyon nga lang, medyo kabaliktaran niyang nasa larawang nakadikit sa libingan. Malungkot na malungkot kasi ang mukha niya ng makita ko siya..."
Napabuntung-hininga ng marahas si Drake. Nag-isip siya ng sasabihin.
"Siguro nga, malungkot siya kaya siya nagmumulto. Huwag mo na lang isipin ang bagay na iyon. Ganito na lang, ipagdasal na lang natin ang kanyang kaluluwa para sa kanyang ikatatahimik."
"Sige, sa tingin ko nga iyon ang tamang gawin."
Nagtirik ng kandila ang dalaga sa puntod at matapos noon ay pumikit siya at taimtim na nagdasal. Pasimple namang tumingin si Drake sa kasama niya na nakapikit. Dahil doon ay wala itong alam na pinagmamasdan niya ito. Malayo ito kay Erein pero sabagay, ibang tao siya. Napangiti siya ng matipid ng mapadako ang tingin niya sa suot nitong kuwintas. Ang buong akala niya ay hindi na niya iyon makikita pa. Siguro nga, hindi siya ang tamang lalaki para kay Erein. Maaaring nakalaan siya para sa iba.
Samantala... Napatigil sa pagdidilig ng mga halaman niya si Rane ng makarinig siya ng kumakanta. Napaismid siya, kilalang-kilala na niya kung kaninong boses iyon. Ilang sandali pa ay dumating na ang nagmamay-ari ng boses na naririnig niya. Si Blade.
"Yoh! Busy ka ba ngayon?"
"Hindi masyado, bakit?"
"Hmm... Wala lang naman. Tara pasyal tayo kahit na saan. Boring sa bahay eh."
"Boring...? Nasaan ang mga housemates mo?"
"Hmf! Nalase, may kanya-kanyang lakad. Si Drake, may date kasi bihis na bihis siya at naligo na yata ng isang boteng pabango. Si Hunter naman, kagabi pa missing in action kasi pinuntahan niya ang kanyang sinisintang si Serene. Namimiss niya. Si Zech, wala sa bahay niya. Hindi ko alam kung saan nagpunta. Si Creta, may lakad sila ni Father Piyo. So, I'm alone..."
![](https://img.wattpad.com/cover/21675759-288-k12802.jpg)
BINABASA MO ANG
Sir Blade BOOK 2
ФэнтезиThe Return, The Comeback, ang pagbabalik ng story ng anghel na si Blade na makapal ang mukha, malupit, patay-gutom, at di mapigilan ang bunganga na magmura.... Kasama siyempre ang tropa niyang sina Hunter at Drake... At si Rane with the BLB High Sch...