25. The Red Scorpion Gang II

2.1K 96 5
                                    

          

                                          "The Red Scorpion Gang II"



"Animal! Ang kukulit ng lahi ng mga goons na ito!" naiinis na wika ni Blade.

Kanina pa siya hindi tinatantanan ng mga ito. Lumiko siya sa isang hallway at.... BLAG! Nakabangga niya ang sinumang nakasalubong niya. Sapo ang noo ay mabilis siyang tumayo.

"Anak na lase!" wika pa niya.

Pagtingin niya sa kanyang nakabangga ay nakita niya si Drake. Kagaya niya ay sapo din nito ang noo. Napatingin din ito sa kanya.

"Abuwisit ak pa! Ikaw lang pala!"

Dumating ang mga goons sa magkabilang direksyon.

"Ayon sila!"

Medyo nataranta ang dalawa at hindi malaman kung saang direksyon sila tatakbo.

"Saan tayo?!" si Drake.

Inilibot ni Blade ang paningin sa paligid. Nahagip ng mga mata niya ang malaki at spiral na hagdan ng hotel. Sa ibaba noon ay ang lobby na.

"Higpitan mo ang hawak mo diyan sa tapis mo kung ayaw mong magaya sa akin! Tara sa may hagdan! Magpadulas tayo sa balaster para matakasan natin sila!"

Tumakbo na si Blade papunta sa may hagdan. Tinalunan niya ang isang engrandeng piyano na nakaharang sa kanyang daan. Napasunod naman si Drake at napatitig na maigi kay Blade. Saka niya napansin na hindi na ang puting-tuwalya ang nakabalabal sa balakang nito kundi isang kulay-asul na sarong na may designs ng asul na gumamela. Nanlaki ang mga mata ni Drake sabay sabing...

"Abuwisit ak pa!" di makapaniwala niyang wika.

Nang makarating si Blade sa may hagdan ay mahigpit niyang hinawakan ang sarong na nakabalabal sa kanyang baywang.

"Animal, mahirap na!" mahina niyang wika.

Agad siyang nagpadausdos sa paikot na railings ng hagdan. Sumunod din sa kanya si Drake at kagaya niya ay hinawakan din nito ng mahigpit ang tapis nitong towel. Gulat na napatingin ang maraming tao sa kanila sa lobby at bahagya namang natigilan ang mga goons. Hindi nila inaasahan ang ginawa ng dalawa.

"Woh... Woh! Uminit ang puwet ko dun ah!" bulalas ni Drake.

Napahawak siya sa kanyang puwet at tila pinagpagan niya iyon. Nakahinga siya ng maluwag ng maramdaman niyang hindi nabutas ang towel. At least, matibay. Napatigil siya sa kanyang ginagawa ng makita niyang nasa harapan pala siya ng ilang Senior Citizen at pataas-pababa siyang tiningnan ng mga ito. Nag-init ang kanyang mukha at hinanap si Blade.

"Okitnam!" bulalas niya.

Nakita niya kasi ang magaling niyang bestfriend sa may booth ng NESCAFE kung saan may free-taste. Dala-dalawa ang hawak nitong cup at nawiwindang dito ang mga taong nakiki-free-taste din. Inis siyang naglakad palapit dito.

Samantala.... Napatingin sa ibaba si Hunter. Nasa may hagdan ang mga goons at papunta na kina Blade na nasa may booth ng Nescafe na may pa-free taste.

"Sa wakas! Naabutan din natin ang isang ito!"

Napalingon si Hunter at nakita niya ang mga goons na humahabol sa kanya. Nahagip ng kanyang mga mata ang higanteng tela na nakasabit sa gitna ng ceiling ng hotel. Tumuntung siya sa railings. Napatili ang mga taong nakakita kay Hunter. Ang akala ng mga ito ay magpapakamatay ang binata.

"Baliw!" wika ng isang goon.

Bumuwelo si Hunter at tumalon.

"EEEEEH!!!..." ang sigawan ng lahat.

Sir Blade BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon