3. Throw-Back

3.2K 113 4
                                    

            "Throw-Back"

 

 

Marahas na napabuntung-hininga si Zech habang nakatingin kay Creta na kanina pa nakatulala. Marahan siyang lumapit dito pero mukhang hindi nito ramdam ang presensiya niya.

"Ehem!" agaw niya sa atensyon nito.

"Nandito ka na pala..." tila wala sa sarili nitong wika.

Nasa itaas sila ng lumang gusali kung saan sila madalas magkita...

"Ano ba ang atin? Bakit bigla mo akong tinext para makipagkita ka? Alam mo, kung tungkol iyan sa Black Circle Organization... Wala na akong kinalaman diyan." pakli ni Zech.

"Hindi ito tungkol doon... Gusto ko lang ng makakausap..." seryosong wika ni Creta.

Tumabi na si Zech dito at tinanaw din ang mga tao sa baba ng gusali...

"Ano ba ang topic? In love ka?" pabirong wika ni Zech.

Matalim namang sumulyap si Creta dito bago nagsalita...

"Sheyt! Pagkakataon ko na iyon para patayin si Blade.. Pero, sheyt talaga! Napaka-ambagel kong lase!" gigil na wika ni Creta.

Amuse naman na tumingin si Zech sa mukha nito.

"Ano bang sinasabi mo diyan? Ang gulo mo, linawin mo nga..."

"Nagka-engkuwentro kami ni Blade... Wala siyang kalaban-laban sa akin ng mga sandaling iyon dahil nasa anyong baby siya. Pupuntiryahin ko na ang leeg niya eh, sasaktan ko na siya dapat... Pero natitigan ko ang mga mata niya... Wala doon ang takot. Sheyt! Nanghina ako ng tuluyan kong makita ang anyo niya... Isang walang-muwang na baby... Pagkatapos, nakaramdam ako ng matinding emosyon... Iyong matinding pangungulila ko sa anak ko, naibuhos ko sa kanya... Niyakap ko siya at umiyak ako ng todo... Ambagel talaga ang Blade na iyon, sheyt! Nagawa pa niyang punasan ang mga luha ko sa kabila ng lahat... Na pinagtangkaan ko ang buhay niya at alam niyang kalaban ko siya... Nagawa pa niya akong patawanin... Sheyt! Baliw!" mahabang kuwento ni Creta.

Natigilan si Zech at matagal na napaisip... Ibig sabihin, hindi tuluyang nabalot ng galit ang puso nito... Napatingin siya sa kamay nitong nakahawak sa locket ng kuwintas nito... Nakalagay doon ang larawan ng asawa at anak nito...

"So, hindi mo nagawang saktan si Blade hindi dahil naduwag ka... Kundi tinalo ka ng pagmamahal at pangungulila... Pinunasan niya marahil ang mga luha mo dahil naramdaman niya iyon... Malay mo, mapatawad ka niya kapag.. Hiningi mo iyon sa kanya..."

Pagkatapos ng mga narinig ni Zech ay bigla siyang napaisip... Ano kaya kung ipagtapat na niya ang pagkatao niya kay Blade? Hindi naman niya maaaring ilihim dito ang pagkatao niya ng matagal... Bahala na siguro kung ano ang maging reaksyon nito o ano pa ang mangyari... Nagtiim ang mga bagang niya ng maalala niya si Rane... Tiyak na lubos itong maaapektuhan sa pagitan nilang dalawa.

"Mapatawad... Saltek siyang lase kung ganoon! Sheyt!" natatawang wika ni Creta.

Halatang naguguluhan ito sa nararamdaman.

"Alam mo naman na matagal nang Saltek si Blade... Huwag ka nang magtaka. Creta, hindi pa huli para sa atin ang lahat. Nakabukas pa rin ang pintuan ng ating tahanan at hinihintay tayo ng ating Ama na muling bumalik... Hindi Niya tayo kayang tiisin..."

"Huh, patawa ka!"

"Seryoso ako... Dinalaw ako ni Michael, minsan.. At sinabi niya sa akin na nakikinig Siya sa mga dasal ko at hinaing... Mayroon akong pagkakaon, ibinigay Niya... Pero siyempre, kailangan kong patunayan ang sarili ko..."

Sir Blade BOOK 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon